Home Headlines SM Megacenter, NE Press Club kapit-bisig sa gift-giving

SM Megacenter, NE Press Club kapit-bisig sa gift-giving

216
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN – Nagkapit-bisig ang Nueva Ecija Press Club at SM Megacenter sa pagbibigay-saya sa pamamagitan ng feeding at gift-giving activity sa mga pamilya, partikular sa mga kabataan, na mula sa indigenous community, sa Barangay Cadaclan, Pantabangan, Nueva Ecija nitong Dec. 28.

Pinangunahan nina NEPCI president Gina Magsanoc at SM Megacenter Cabanatuan assistant mall manager Keldrin Wy ang pamamahagi ng pagkain at regalo. 

Ang mga bata ay pinagkalooban ng mga “Bears of Joy” mula sa SM Megacenter, mayroon ding handang spaghetti at mga candy.

 

Samantala, ang kanilang mga magulang ay nakatanggap ng media noche packs na hatid naman ng Ako Ang Saklay Organization na pinamumunuan ni Fr. Arnold Abelardo.

Labis na kasiyahan ang ipinahayag ng mga nabiyayaan. 

Ayon kay Magsanoc, ang pagkalinga sa mga komunidad sa laylayan ay isa sa mga pangunahing adbokasiya ng NEPCI.

Regular na nakasuporta ang SM Megacenter at SM City Cabanatuan sa ganitong mga gawain ng samahan. Contributed photos

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here