Home Headlines SM MALLS Kabalikat sa pagpapalago ng turismo ng Nueva Ecija

SM MALLS
Kabalikat sa pagpapalago ng turismo ng Nueva Ecija

1297
0
SHARE

CABANATUAN CITY – Agrikultura pa rin ang pangunahing pagkakakilanlan ng Nueva Ecija kaya naman hindi ito mawawala sa pagsusulong ng turismo ng lalawigan.

Ngunit sa ngayon ay isang tatak o branding ng turismo ang inilalarga ng probinsiya at mahalagang bahagi dito ang mga mall lalo na ang SM, ayon sa hepe ng provincial tourism office na si Atty. Jose Maria Ceasar San Pedro.

“Our priority sa office namin is to really capacitate the stakeholders. Para po maramdaman nila yung presensya g toursm office,” ani San Pedro matapos dumalo at nagbigay ng mensahe sa Christmas launch ng SM City Cabanatuan kamakailan.

Sa pagpasok ng 2020, dagsag niya, ay itotodo ng kanilang tanggapan ang implementasyon ng “tourism brand” na kanilang ginawa.

“Mayroon na po tayong branding na masasabi ko na one of the provinces sa Central Luzon na mayroon tayong defi nite brand,” dugtong ng opisyal.

“Kasi ang SM po ay napaka- importante naming partner kasi makikita niyo through SM yung implementasyon ng ating Nueva Ecija tourism brand and through this, mas mapo-promote po natin ang Nueva Ecija sa ibang mga lugar,” paliwanag ng tourism official.

Nagpahayag naman kaagad ng suporta sa programa si Ian Zekiel Balao, regional manager for operations ng SM.

Alinsunod na rin daw ito sa kanilang tradisyon na tumulong sa progreso ng bawat komunidad.

Samantala, ngayong Kapaskuhan ay nakatutok pa rin ang SM malls sa pagbibigay saya at inspirasyon, lalo na sa mga kabataan, ayon kay Balao.

“Our drive really is to put a smile sa mga sa ating mga bata kasi this is the time for them,” sabi Balao.

Paliwanag niya, ang magagandang alaala na iniiwan nito sa mga bata ay bahagi ng pag-unlad ng mga ito.

Muling hinikayat ni Balao ang mga mall goers na bumili ng Bears of Joy kung saan ay may ipagkakaloob na regalo para saga mahihirap na kabataan.

Samantala, kabilang sa mga personalidad na dumalo sa magkasunod na Christmas launch ng SM Megacenter at SM City Cabanatuan ay sina board member Jojo Matias, city councilors Peewee Mendoza, Junnie Del Rosario, Joselito Roque, Brigida Pili, DTI provincial director, Armando Giron at provincial tourism advocate.

Kaugnay nito, paliwanag ni San Pedro, sa mga nalalabing araw na ito ng taon ay mapapansin ang masiglang gayak ng mga lokal na pamahalaan tulad ng engrandeng pailaw sa San jose City, Science City of Muñoz, Gapan City, Lumang Kapitolyo sa Cabanatuan City at iba pang lugar.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here