Home Headlines SK sumailalim sa fire safety lecture

SK sumailalim sa fire safety lecture

371
0
SHARE

SAN MARCELINO, Zambales – Sumailalim sa isang fire safety lecture ang mga sangguniang kabataan sa bayang ito sa layuning palakasin ang kaalaman at kahandaan sa pag-iwas sa sunog na ginanap nitong ika-14 ng Agosto sa Barangay Burgos covered court.


Ang nasabing aktibidad ay bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan na pinangunahan ni SK Federation president Jeanne Joseph S. De Dios.


Ang mga fire marshal naman mula sa Bureau of Fire Protection-San Marcelino sa pangunguna ni Senior Fire Inspector Flordeliza Pascasio ang naging mga tagapagturo, kung saan tinalakay nila ang mga tamang hakbang sa pag-iwas at pagtugon sa mga insidente ng sunog.


Nagbigay din ng mga praktikal na pagsasanay at demonstrasyon ang mga fire marshal upang mas mapalalim ang kaalaman ng mga dumalo sa mga tamang hakbang sa pagtugon sa mga insidente ng sunog.

Kasama sa mga tinalakay ang tamang paggamit ng fire extinguisher, mga paalala sa tamang pag-iwas sa mga karaniwang sanhi ng sunog, at mga hakbang upang mapanatiling ligtas ang kanilang mga pamilya at komunidad sa oras ng sakuna.


Kaugnay nito, buo naman ang pagsuporta ni Mayor Elvis Ragadio Soria sa aktibidad ng SK Municipal Federation.


Aniya, ang fire safety lecture ay magbibigay-diin din sa kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat isa upang mapanatili ang kaligtasan ng komunidad, lalo na sa panahon ng mga hindi inaasahang kalamidad at nagsilbing gabay upang magsimula ng mas maraming fire safety initiatives sa buong bayan.

Photos: San Marcelino PIO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here