Home Headlines Sirang rubber gate ng Bustos Dam niremedyuhan

Sirang rubber gate ng Bustos Dam niremedyuhan

820
0
SHARE

Si Gov. Daniel Fernando at iba pang lokal na opisyal nang inspeksyunin ang Bustos Dam. Kuha ni Rommel Ramos



BUSTOS, Bulacan — Natapos na ang steel
pile na nilagyan ng mga sandbag bilang pansamantalang remedyo sa nasirang rubber gate No. 5 ng Bustos Dam.

Matatandaan na nasira noong unang linggo ng Mayo ang isa sa anim na flood gate ng Bustos Dam matapos lamang ang halos dalawang taon ng ito ay sumailalim sa rehabilitasyon.

Ang Bustos Dam na sumasalo ng tubig kung nagpapakawala ang Angat Dam at Ipo Dam. Kuha ni Rommel Ramos

Personal na ininspeksyon ni Gov. Daniel Fernando ang pansamantalang remedyo na ginawa sa dam.

Aniya, nakumpleto na ang paglalagay ng steel pile sa gate No. 5 at sa ngayon ay plano nila na maglagay pa ng support sa lahat ng rubber gates dahil marami na sa mga ito ang tinagpian o na-vulcanize.

Dagdag pa ni Fernando, may kahinaan ang mga rubber gates na inilagay dito batay sa pagsusuri ng mga eksperto kayat dapat din na mapalitan sa lalong madaling panahon.

Ang dating rubber gate ay tumagal ng nasa 20 taon kumpara sa bago na tumagal lang ng dalawang taon matapos gawin ang rehabilitasyon.

Gayunpaman, sa kabila ng kalagayan ng Bustos Dam ay walang dapat na ikabahala ang publiko dahil ginagawan naman nila ito ng paraan para maisaayos agad.

Sa katunayan, ani Fernando, ay target nila na mapalitan ang mga rubber gates dito hanggang bago matapos ang taong 2020.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here