Home Headlines Daily CRK int’l flights simula Aug. 1

Daily CRK int’l flights simula Aug. 1

364
0
SHARE

Ang mga repatriates mula Dubai na bumaba sa CRK sa pagsisimula ng daily international flights dito. Kuha ni Rommel Ramos


 

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT — Araw-araw na ang operasyon para sa international flights sa Clark International Airport simula August 1.

Ayon sa LIPAD Corp., nasa 19 international weekly flights ang operasyon ng CRK ngayong buwan ng Agosto kasama ang mga additional flights sa South Korea via Asiana Airlines, at Doha, Qatar via Qatar Airways. 

Samantalang mayroon namang two flights weekly sa Singapore via Scoot ng Lunes at Jetstar ng Linggo,habang sa domestic front ang Cebu Pacific ay mag-resume ng kanilang Cebu-Clark-Cebu flight tuwing Martes.

Nitong Sabado ay sinalubong ng mga kawani mula Department of Health-Bureau of Quarantine, Department of Tourism, at Overseas Workers Welfare Administration, at ang mga manning agencies ang nasa 300 repatriates mula Dubai.

Dumaan sila sa thermal scanning at repatriation process na ipinaliwanag ni Dr. Gerardo Camba, medical officer ng DOH-BOQ, ang limang form na kailangang fill up-an na mabuti ng isang repatriate. 

Ito ay ang mga health declaration card o ang yellow form, affidavit of undertaking, certificate of case investigation form, Bureau of Immigration card, at Bureau of Customs card.

Matapos ma-fill up-an ang mga forms ay tutungo sila sa kanya-kanyang ahensya na nakasasaklaw sa repatriate.

Mula doon ay sasailalim ang mga ito sa swabbing at pansamantalang mananatili sa mga hotels para sa quarantine habang hinihintay ang resulta ng kanilang swab test na inaasahang lalabas sa loob ng dalawang araw.

Kapag nagnegatibo ang mga ito ay papauwiin na sa kani-kanilang mga probinsya ngunit kapag nagpositibo ay dadalhin sa mga isolation facilities aa Clark.

Ayon kay Dr. Camba, ganito ang gagawing proseso sa mga lalapag sa CRK para masiguro ang kaligtasan at monitoring laban sa coronavirus disease.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here