Sinong dapat ihalal kina EdPam at Tarzan?

    334
    0
    SHARE

    Pareho lang nating mga kaibigan
    Sina Mayor EdPam at Congressman Tarzan,
    Kaya’t kung puede lang ay pang-dalawahan
    Ang ‘seats of office’ na ninasa po n’yan

    Upang sa ganun ay di na magbatuhan
    Ng kung anong akusasyong maanghang
    Itong dating tapat na magkaibigan,
    Ng dahil lamang sa bagay na naturan.

    Na kung saan pati yata di marapat
    In-ere minsan at idinadakdak
    Ng ibang kapatid sa pamamahayag
    Para makagawa lang ng alingasngas

    O isyung posibleng matatawag nating
    Tisimis lang kumbaga at mga pasaring
    Upang si EdPam ay kanilang sirain
    Pero si Tarzan ay posibleng damay din

    Gaya halimbawa sa isyu ng J.O.
    Na ngayo’y kay Mayor ay ibinabato,
    Ya’y di ba’t libo rin ng panahon nito
    Base sa nasilip nilang dokumento?

    At kung ibang bagay ang pag-uusapan
    Tulad ng ‘chicks’ at ng bisyong pagsusugal,
    Aywan kung ang ‘sitting mayor’ ay mayrun n’yan,
    Pero itong isa’y may tsismis hinggil d’yan.

    Totoo o hindi itong mayrun sila,
    D’yan ay wala tayong pakialam kumbaga;
    Kasi hangga’t tama ang serbisyo nila
    At ‘visible naman yan sa opisina

    Sa ganang akin ay wala tayong dapat
    Ipag-alala o maaring isumbat,
    Liban na lamang kung sila’y nagkakalat
    Ng lagim… at bayan ang napapahamak.

    Pero kagaya nga ng ating nasabi,
    Kung ya’y tapat nama’t mahusay magsilibi,
    Ano’t di na lamang natin isantabi
    Ang kung anuman ang lumabas na siste?

    Partikular na sa buhay pulitiko
    Ang batuhan kapag halalang ganito
    Kaya di na dapat pansinin pa ito
    Ng may sariling bait ang pagkatao

    Dala na rin nitong karaniwan na nga
    Sa ngayon ang lahat na ng klase yata
    Ng panghihikayat sukdang ikasira
    Ng matinong tao sa harap ng madla

    Makuha lamang ng ilan ang simpatya
    Ng masa at itong kandidato nila
    Itong mangibabaw sa ganyang taktika,
    Na lubhang marumi’t di kahaya-haya.

    Di ko sinasabing higit na mabuti
    At malinis itong ngayon ay Alkalde
    Ng napakatanyag na Angeles city,
    Kundi ng dahil sa kahusayan pati

    At kasibulan pa ang lakas na taglay
    Ng pangangatawan sa kasalukuyan,
    Kaya’t kayang-kaya n’yang mapaglinkuran
    Ang lungsod nang walang anumang sagabal.

    Mahusay din naman at naging matapat
    Sa panunungkulan ang butihing anak
    Ng isa sa ating Governor na tanyag,
    Na nagsilbi sa panahong nakalipas.

    Nakapaglingkod na ng mahabang taon
    Itong sa Congress ay dapat magpatuloy
    Ng kanyang trabaho bilang isang Solon,
    Ano’t babalikan ang pagiging Mayor?

    At di na nga lamang kay kumpare niyang Ed
    Ipaubaya ang lungsod ng Angeles,
    Ngayong siya nga po’y dapat nang mag-tired,
    Kung ayaw na niyang bumalik sa Congress?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here