Home Headlines Sigaw ng kababaihan ng Sumalo: Ibasura ng kasong estafa

Sigaw ng kababaihan ng Sumalo: Ibasura ng kasong estafa

594
0
SHARE
Ang mga kasapi ng Samahan ng Nagkakaisang Mamamayan ng Barangay Sumalo sa kanilang protesta sa harap ng Bulwagan ng Katarungan sa Dinalupihan, Bataan. Kuha ni Johnny R. Reblando.

DINALUPIHAN, Bataan — Bilang pagunita sa Buwan ng mga Kababaihan, nagsama-sama ang grupo ng mga kababaihan sa Barangay Sumalo, Hermosa para mag-rally sa harap ng Bulwagan ng Katarungan sa bayang ito nitong Marso 8.

Ito ay upang hilingin nila ang hustisya na ibasura ang kasong syndicated estafa na isinamapa laban sa walong kababaihan na ang apat ay pawang mga senior citizen na.

Ayon kay Belinda Petenez, tagapagsalita ng Samahan ng Nagkakaisang Mamamayan ng Barangay Sumalo, nag-ugat ang isinampang kaso sa pinag-aagawang lupa na may sukat na 213 ektarya na dating kinatitirikan ng bahay ng mga magsasaka.

Ayon pa kay Petenez, 1959 pa sila sa nasabing lupain bago ideklara ang lugar na isang Barangay Sumalo.

Dugtong pa ni Petenez na isang Riverforest Development Corp. ang basta na lang sumulpot sa kanilang lugar at sinasabing sa kanila ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay at ito ay kanilang pagmamay-ari mula pa noong 1979.

Batay naman sa record ng Registry of Deeds sa Balanga, Bataan ang nasabing lupain ay pagmamay-ari pa ng gobyerno.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here