Pagkabuti-buti man nitong hangarin
Ng ilang lokal na opisyal po natin
Na mapaganda ang serbisyo sa atin,
Minsan, sa ibang tao ay masama pa rin.
Gaya na lang nitong pagpapairal niyan
Ng batas hinggil sa oplan kalinisan
Sa mga sidewalks at ibang daraanan
Na tinayuhan ng mga squatters riyan
Ng kung anu-anong ‘illegal structures’
Na talaga namang hindi na-aayon
Sa umiiral na rules and regulations,
Ng ating gobyerno kahit saan ngayon.
Na kung saan batid na nilang bawal nga
Partikular na sa kalakhang Maynila,
Pero haya’t di pa rin n’yan alintana
Ang naturang batas dito sa ‘ting bansa..
At nagsusumiksik pa rin sa pag-iskwat
Kahit sa gilid lang riyan ng ‘railroad track’,
Ilalim ng tulay, bangketa at lahat
Na ng puede nilang pagtayuha’t sukat.
At nitong sila ay pina-paalis na
Sa pinuestuhan n’yan sa mga bangketa
At iba pang pag-aari r’yan kumbaga
Ng ating estado – ay kakalaban pa?
At sila pa itong may ganang magalit
Kay Mayor ngayong yan ay pinapaalis,
Gayong bahagi lang yan ng pagnanais
Ng pamahalaan na maging malinis?
Ang kapaligiran, partikular na nga
Ang mga sidewalks na ngayo’y nanagana
Sa mga vendors na anhin man po yata
Ng pamahalaan ay di masawata?
Na kagaya nitong nasabi na natin,
Ay talaga namang ‘illegal squatting’
Na kinokondena ng gobyerno natin,
Kaya’t marapat na sila’y paalisin!
At di natin dapat isisi sa sinong
Alkalde o local officials sa ngayon;
Gaya kina Oca, na 4th Best World Mayor,
At kay Angeles City Mayor, sir Blueboy;
Na ngayon ay parehong tinututukan
Ang pagpapaalis sa mga illegal
Na istraktura sa lahat ng daanan,
Partikular na sa mga bangketa r’yan.
Kundi manapa ay marapat tumulong
Sa pagsasa-ayos ng administrasyon
Sa lahat ng bagay na isinusulong,
Na kagaya nitong paglilinis ngayon;
Upang maging ‘squatter free’ ang bangketa
Sa lahat ng oras para sa lahat na;
Na tunay naman pong kaiga-igaya
Ang ganito kapag naisa-ayos na.
Kaya kung kabilang ka sa gumagamit
Ng mga ‘illegal stalls’ na nabanggit,
Huag na ang sariling gusto ang igiit,
Kundi kusa na lang tayong magsi-alis;
Pagkat tunay namang ipinagbabawal
Ang ‘squatting’ kahit saan pa mang lugar;
Bilang bahagi ng panuntunang lokal
Na mapabuti ang serbisyong pambayan!
Ng ilang lokal na opisyal po natin
Na mapaganda ang serbisyo sa atin,
Minsan, sa ibang tao ay masama pa rin.
Gaya na lang nitong pagpapairal niyan
Ng batas hinggil sa oplan kalinisan
Sa mga sidewalks at ibang daraanan
Na tinayuhan ng mga squatters riyan
Ng kung anu-anong ‘illegal structures’
Na talaga namang hindi na-aayon
Sa umiiral na rules and regulations,
Ng ating gobyerno kahit saan ngayon.
Na kung saan batid na nilang bawal nga
Partikular na sa kalakhang Maynila,
Pero haya’t di pa rin n’yan alintana
Ang naturang batas dito sa ‘ting bansa..
At nagsusumiksik pa rin sa pag-iskwat
Kahit sa gilid lang riyan ng ‘railroad track’,
Ilalim ng tulay, bangketa at lahat
Na ng puede nilang pagtayuha’t sukat.
At nitong sila ay pina-paalis na
Sa pinuestuhan n’yan sa mga bangketa
At iba pang pag-aari r’yan kumbaga
Ng ating estado – ay kakalaban pa?
At sila pa itong may ganang magalit
Kay Mayor ngayong yan ay pinapaalis,
Gayong bahagi lang yan ng pagnanais
Ng pamahalaan na maging malinis?
Ang kapaligiran, partikular na nga
Ang mga sidewalks na ngayo’y nanagana
Sa mga vendors na anhin man po yata
Ng pamahalaan ay di masawata?
Na kagaya nitong nasabi na natin,
Ay talaga namang ‘illegal squatting’
Na kinokondena ng gobyerno natin,
Kaya’t marapat na sila’y paalisin!
At di natin dapat isisi sa sinong
Alkalde o local officials sa ngayon;
Gaya kina Oca, na 4th Best World Mayor,
At kay Angeles City Mayor, sir Blueboy;
Na ngayon ay parehong tinututukan
Ang pagpapaalis sa mga illegal
Na istraktura sa lahat ng daanan,
Partikular na sa mga bangketa r’yan.
Kundi manapa ay marapat tumulong
Sa pagsasa-ayos ng administrasyon
Sa lahat ng bagay na isinusulong,
Na kagaya nitong paglilinis ngayon;
Upang maging ‘squatter free’ ang bangketa
Sa lahat ng oras para sa lahat na;
Na tunay naman pong kaiga-igaya
Ang ganito kapag naisa-ayos na.
Kaya kung kabilang ka sa gumagamit
Ng mga ‘illegal stalls’ na nabanggit,
Huag na ang sariling gusto ang igiit,
Kundi kusa na lang tayong magsi-alis;
Pagkat tunay namang ipinagbabawal
Ang ‘squatting’ kahit saan pa mang lugar;
Bilang bahagi ng panuntunang lokal
Na mapabuti ang serbisyong pambayan!