Si John Lloyd Cruz at hindi si Willie Revillame ang gusto ni Lorna Tolentino

    438
    0
    SHARE
    May tonong inggit kay Vilma Santos si Lorna Tolentino sa pagsasabing siJohn Lloyd Cruz ang actor na pinapangarap niyang makatambal ngayon.

    Take note, positibo ‘yung inggit na sinasabi namin about Lorna dahil talagang nagandahan daw siya sa pelikulang pinagtambalan nina John Lloyd at Vilma Santos.

    Isa pa, obvious na nagagalingan si LT kay John Lloyd na ito nga ang gusto niyang makatambal kung sakaling bigyan siya ng choice kung sino ang gusto niyang makapareha.

    By the way, sinabi rin ni Lorna T na wala ‘yung isyung pinagli-link silang dalawa ni Willie Revillame. In the past kasi, mainit ‘yung mga isyung kesyo nanliligaw si Willie kay LT. Dahil daw sa ayaw ni Manay Lolit Solis na siyang manager ni LT kay Willie, kaya hindi nagging totoo ang isyung ito.  “Matanda na ‘ko, alam ko na ang ginagawa ko, ‘di ako puwedeng pakialaman nino man, may sarili akong isip,” seryosong sabi ni LT.

    Hindi naman daw siya nililigawan ni Willie at kung nagsabing nagbiro lang si Willie, ‘yuna raw ‘yun, nagbibiro lang si Willie.

    Obvious din na may halong inis ‘yung pagsasalita ni LT na biniro lang siya ni Willie nang ihayag nito ‘yung pagsinta nito sa kanya on national television. “Kung sinabi niyag nagbiro lang siya, at ‘di ba, sinabi naman niya ‘yun, ‘yun na ‘yun. Walang iba, biro lang talaga.”

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here