Jolo Revilla pinalitan na si Lovi Poe kay Melissa Ricks

    337
    0
    SHARE
    Umandar na ang makinarya ng publisidad para sa Pepeng Agimat ng ABS-CBN. Sina Jolo Revilla at Melissa Ricks angmga bida rito. Kaya naman panay nga ang interview sa dalawa na pinaiikot sa isyung silang dalawa na.

    As if, wala na sina Lovi Poe at Jolo gayung alam nating sobrang in love ang dalawang ito.

    Anyway, when asked about it, both Jolo and Melissa never denied the issue pero never din nilang in-admit.  Safe naman ang kanilang sagot by saying na mabait daw si Melissa sabi ni Jolo at hindi naman kataka-takang ma-in love siya rito. Si Melissa naman says na ngayon lang sila nagkakilala pero parang  magkaibigan na raw sila. Kumbaga, halatang hindi lang makaporma sino man sa dalawa dahil alam naman nilang para sa kanila ang ganansya ng publisidad na silang dalawa na nga.

    Well, tingnan natin ang kasunod. Will this be a case na sa banding huli, magkakabukingan na talagang sila na nga?  Naku naman kasi, sobrang pabling ni Jolo na hindi kata-takang pagtataksilan niya si Lovi dahil talaga naming kaibig-ibig si Melissa Ricks. At hindi ba, napakarami na nating nakitang pinagli-link dahil nga magkapareha at sa bandang huli, nagiging true naman ang lahat?

    Say mo, Lovi Poe?

    Pero teka, hindi ba, may Felix Roco na rin si Lovi Poe? Ayon sa press release ng Sagrada Pamilya na kung saan nga magkatambal ang dalawa, may mga intense lovemaking scenes sina Felix at Lovi. Nangangahulugan bang nagkakalabuan na talaga sina Lovi at Jolo?

    Just asking!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here