Sheena Halili ayaw nang guluhin ang buhay ni Rainier Castillo

    511
    0
    SHARE
    Akala namin noon, magkakatuluyan na sina Sheena Halili at Rainier Castilio. May panahon kasing halos sa bahay na sa San Fernando, Pampanga matira-tira si Rainier. Open naman kasi ang relasyon ng dalawa sa mga parents ni Sheena. Pero bandang huli, kung saan din napunta’ng relasyon nila. Naging biktima sila ng mga intrigang pan-showbiz at ang wakas nga, nagkanya-kanya na lang sila.

    Sa muling pagsasama  ng ex-lovers at loveteam na sina Sheena Halili at Rainier Cas-tillo sa inaabangang Pinoy adaptation ng Korea’s all- time-favorite TV Series na Full House,  maraming naniniwala na manunumba-lik ang dating pag-iibigan ng dalawa. Mag-asawa kasi ang ginagampanan nilang  papel sa Full House kaya naman sila palagi ang magkaeksena at meron silang intimates scenes as husband and wife. Pero ayon kay Sheena, malabo  na raw na magkabalikan sila  kahit  wala siyang karelasyon ngayon dahil may non-showbiz girlfriend na raw si Rainier.

    “Ayoko namang makagulo ng isang relasyon dahil masaya naman sila. At kahit wala pa akong boyfriend   happy ako bilang single. Magpu-focus na lang  muna ako sa trabaho.  Sayang naman kasi itong pag-kakataon at tiwalang ibinibigay sa akin ng GMA7  kung  pagbu-boyfriend ang aasikasuhin ko, ‘di ba?

    “Basta sa ngayon, masaya at okey kami ni Rainier bilang magkatrabaho at magkaibigan,” litanya ni Sheena.

    Speaking of Sheena, marami sa kanyang mga observers ang naniniwalang mahihirapan siyang sumikat in the true sense of the word, unless she stops being a gaya-gaya to Rica Peralejo.

    As it is kasi, sa kabu-uan, mula sa kanyang hair-do at pananamit, pati na sa pag-arte, parang clone siya ni Rica, who, by the way, ay malapit na nga palang ikasal.

    Kaya, ang panawagan nila kay Sheena: adapt an image of your own nang maging kahali-halina ka sa paningin ng mga sumusu-baybay sa iyo.

    As it is, Sheena is proving na kung pag-arte ang pag-uusapan, lalo’t sa comedy, may ibubuga siya. And this was proven when GMA-7 gave her a supporting role in the Tagalog adaptation of the Korean series, Kim Sam Soon.

    She is currently playing another supporting role in the new GMA-7 series, Full House.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here