Last year pa ibinenta nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta ang bahay nila sa Wack-Wack sa Mandaluyong, pero this year lang lumabas kung sino ang nakabili ng bahay ng mag-asawa.
Isang rich Chinese businessman daw na bossing ng SMC o San Miguel Corp. ang nakabili ng bahay.
Lumabas na rin kaya kung magkano ibinenta nina Sen. Kiko at Sharon ang bahay nila sa Wack-Wack?
Sa bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna na nag-i-stay most of the time ang mga Pangilinan at kung may appointment sa Manila, may condo sila sa Makati City. Nai-tweet ni Sharon na mas gusto ng mga anak niya sa bahay nila sa Sta. Rosa.
Samantala, i-announce sa Ang Latest ng TV5 na three shows ang gagawin ni Sharon this year, sana simulan na kahit isang show para malaman kung ano ang concept ng show at kung anong oras ito.