Shaina Magdayao umaming kumalas na kay John Prats

    398
    0
    SHARE
    Malungkot si Shaina at mukhang napipilitang lang humarap sa mga interviews. Halata na dimamdam nito yung pagbe-break nila ni John Prats.

    Noon pa kasing December nababalitang magulo ang lovelife nila ni John Prats na nauwi sa break up.

    Totoo po ‘yun, break na po kami noong isang taon pa,” walang habas na pag-amin ni Shaina.

    Siyempre, sinundot si Shaina kung may third party ba sa kanilang hiwalayan ni John Prats. Balita kasi na sumingit sa kanila si Denise Laurel kaya nagulo sila ni John.

    “Kami lang po ni John ang may problema, please naman po, whatever it is, problema namin ito ni John, wala po kinalaman ang

    Sino man, kaya huwag na po nating idawit ang sino man, if there are to blame, kami ni John yun,” mapagkumbaba pa nitong sagot.

    Pero ayos pa rin ba sila ni John? Puwede pa bang mag-reconcile sila?

    “Not now, ang sa amin po ni Johm, hindi na ayos. Like any other break up, magulo po, di po ba, wala naman talagang break up na ayos, kaya nga nag-break kami kasi nga magulo.

    “Pero ang maganda lang po, John and I are working on for us to become good friends kahit break na kami.”

    So there!


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here