SUBIC, ZAMBALES – Hiniling ni Subic Mayor Jay Konghun sa mga negosyante na sundin ang Senior Citizen Acts, ang pagbibigay ng pribilehiyo na 20 percent discount sa lahat ng bagay na kanilang bibilhin at kanilang lugar na pupuntahan.
Ito ang natatanging panawagan sa kanyang State of the Municipality Address (SOMA) na ginanap sa Subic Central School. Ayon sa alkalde, isa sa mga proyekto ng pamahalaang bayan na naisagawa na ay ang “Senior Citizen Lakbay Aral sa Puerto Princesa, Palawan” kasama ang DSWD sa pangunguna ni Nelly Pagar.
Binanggit din ng alkalde sa kanyang SOMA ang pagbibigay ng proyektong Phil- Health Alaga Ka, kung saan may 10, 470 IDs ang naipamahagi sa mamayan ng Subic na isa sa pinakamalaking pamamahagi ng PhilHealth card sa buong Zambales.
Tuloy-tuloy na pagbibigay ng medical services para sa mga taga Subic na mahihirap na pamilya sa suporta ni 1st District Congressman Jeffrey Konghun at sangguniang bayan members, gaya ng pamimigay ng wheelchair at nebulizer.
Ikinatuwa din ng alkalde ang suporta ng Public Employment Services Office (PESO) na nagbunga ng maraming job hiring sa abroad at sa local gaya ng Hanjin at Keppel at iba pang kumpanya.
Nilinaw din ni Konghun sa taumbayan na ang ginagawang desilting sa mga ilog at declogging sa mga canals ay walang pondong ibinigay ang DPWH ganun din walang pera na nagmula sa munisipyo kundi sa pamamagitan ng tulong nina Congressman Konghun, Gov. Jun Ebdane, municipal councilors at DSWD.
Binuo din ng alkalde ang Subic Public Order and Safety Offi ce (SPOSO) na may mahigit sa 24 na katao na siyang
sumailalim sa masusing pagsasanay sa fire fighting, at search and rescue operations na pawang pinagkalooban ng mga makabagong kagamitan na siyang gagamitin sa hindi inaasahang sakuna.
Inanunsyo ni Mayor Konghun ang pagtatayo ng Solid Waste Recycle Project sa Barangay Naugsol kung saan doon na itatapon ang mga basurang nakokolekta na umaabot sa 80,000-100,000 tons kada araw.
Ganun din ang pagtatayo sa modern municipal market na nakatakdang simulan ngayong Agosto at Setyembre at tiniyak nito sa mga umuupa na walang magaganap na pagtaas ng renta sa mga pwesto at buwis na ipapataw dito.
Aniya, ang kasalukuyang pamilihang bayan na ginawa noong 1991 ay mahigit na g 24 na taon kung kaya kinakailangan nang gawin dahil sa may kalumaan na ito.