File Photo: Si Pangulong Rodrigo Duterte kasama si PACC Chief Greco Belgica sa kasagsagan ng kampanya noong 2016.
LUNGSOD NG MAYNILA — Ikinakasa na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang line up ng mga senatorial candidate na kanyang iendorso para sa 2022 national elections.
Ayon sa impormasyon, ang mga pinagpipilian ay ilang reelectionist at former senators, Cabinet officials at mga prominenteng personalidad gaya nina TV host Willie Revillame, broadcaster Raffy Tulfo at aktor na si Robin Padilla.
Mula sa hanay ng mga reelectionist at former senators ay lumutang ang mga pangalan nina: Information and Communications Secretary Gregorio Honasan, Sen. Cynthia Villar, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, dating senator Joseph Victor “JV” Ejercito at Deputy Speaker Loren Legarda.
Habang sa gabinete naman ay kasama sa mga pinagpipilian sina: Presidential Anti-Corruption Commission Chairman Greco Belgica, Presidential Spokesman Harry Roque, Public Works Secretary Mark Villar, Transportation Secretary Arthur Tugade, Labor Secretary Silvestre Bello III, Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Communications Secretary Martin Andanar, at Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Samantala, ayon kay Belgica, nagpapasalamat siya kay Pangulong Duterte sa tiwala at kumpyansa na ibinibigay nito sa kanya.
Binigyang diin ni Belgica na sya ay susunod sa ano mang sabihin ng Pangulong Duterte at mananatili siyang tapat sa kanyan sinumpaang tungkulin, sa harap ng Pangulo, ng Diyos at ng taong bayan.
“Ipinauubaya ko na po sa Pangulong Duterte, sa Diyos, at sa Pilipino ang aking kapalaran sa pulitika. Basta’t patuloy ko pong palalakasin ang kampanya kontra korapsyon at paglaban sa iba pang uri ng pang-aabuso sa lipunan na sinimulan ng ating Pangulo, at panata ko sa Diyos at Pilipino. Lalo na sa pagbibigay ng katarungan sa mga naghihirap, maliliit at kapus-palad na mas nangangailangan ng pag-aaruga ng gobyerno.” pagtatapos ni Belgica.