HALATANG kabado itong si De Lima
sa napipintong kay Kerwin Espinosa
malalimang gagawing pag-imbestiga
ng NBI, CIDG at iba pa
Partikular na ng Senado’t Kamara
o ng atin na ring Pambansang Pulisya,
kaugnay ng ‘illegal drug trade,’ at saka
kung sinu-sino ang protector talaga
At ibang posibleng idawit ni Kerwin,
na hayan, ang tanging marubdob na hiling
kay Duterte, lahat handa niyang sabihin
kapalit ng sana siya’y patawarin
Sa mga nagawa niyang pagkakasala
bilang ’big time pusher’ ng bawal na droga,
At lahat na nga ay sasabihin niya
(ngayong ‘nowhere’ na siyang makapagtago pa).
Natural lamang sa kung sinu-sino riyan
na ikinanta na nitong nakaraan
ng ilang ‘inmates’ nang sila ay isalang
sa ‘Senate Inquiry’ – kakabaan na yan
Ngayong ang may hawak nitong sinasabing
listahan ng mga nakikinabang din
sa ‘illegal drug trade,’ handa na si Kerwin
na pangalanan yan at isa-isahin.
Kung saan kabilang nga r’yan si De Lima,
sa ‘99 percent’ tutukuyin niya,
na isa nga itong ating Senadora
sa mga ‘protectors’ at dawit talaga.
Kaya sa puntong yan ano pang maaring
gawing ‘alibi’ ng pinakamagaling
na dating DOJ Secretary natin,
kundi ang maglubid uli ng buhangin?
Sa Japan, sa taong may delikadesa
at may kahihiyan, tiyak nag-‘suicide’ na;
(Yan ay kung tunay ngang si Mam nagkasala
ng ganyan kabigat sa’ting Republika)
Pero kung talagang siya ay malinis
at ang akusasyon gawa lang ng tsisms,
Siya’y abogada, kaya niyang ituwid
ang ‘mere accusation’ sa’ting Bar of Justice.
Subali’t kung tulad lang siya marahil
ng isang Heneral, na kusang kinitil
ang sariling buhay nang yan madawit din
sa isang anomalya… ay malamang gawin.
Di ko ninanais o itinutulak
na magpakamatay siya o mag-suicide,
kundi ang atin ay payong pang-kaanak,
na kung nagkasala humingi ng tawad.
Kasi, maliban sa aminin na lang niya
ang akusasyon ay ‘no way out’ na nga siya
sanhi nitong todo tanggi siya nang una
subalit inamin din nang makonsensya?
Gaya r’yan ng naging karelasyon nito
ang ‘driver/bodyguard, na noo’y kuntodo
tanggi siya pero bandang huli, ano?
(di pa man inipit) inaming totoo!
Masasabi pa bang may kredibilidad
ang salita’t klase r’yan ng pangungusap
ng Senadora na malayo sa dapat
asalin ng isang taong may dignidad?
Sa puntong ito ay anumang sabihin
ng isang batid na nating nagsinungaling,
malamang ay di na papasa marahil
sa mga susunod na ‘Inquiry/Hearing’!