Senator Bong Revilla sinibak sa pelikula ng Iglesia Ni Kristo

    445
    0
    SHARE

    UNANG mapabalitang sinibak na sa pelikula ng siglo na Ang Sugo ng Iglesia ni Kristo si Senator Bong Revilla dahil sa pork barrel scam na kanyang kinasangkutan. Pero msa kanyang statement lumalabas na kusang nag-resign si Senator sa naturang movie.

    Aniya, mabigat at masakit sa loob niyang mag-beg off from the movie Sugo, where he would have played the role of Ka Eduardo Manalo, para sa kanya it was the best thing he could do to save the congregation from getting involved in the current controversies na kanyang kinasasangkutan.

    Sugo, which will be shown next year is one of Iglesia Ni Kristo’s major projects to celebrate their100th anniversary.

    Bukod sa pangamba niyang mababahiran ng pulitika ang pelikula ’pag nagkataon, may fear din siyang dahil sa kasalukuyang ‘laban’ o battle na kanyang kinakaharap, baka ’di niya mabigyan ng sapat na atensiyon ang proyekto lalo pa nga at napakahalaga ng pelikula sa selebrasyong gagawin ng INC next year.

    Ganunpaman, abot-abot daw ang pasasalamat niya sa INC, kay Ka Eduardo Manalo at sa lahat ng bumubo ng kongregasyon dahil sa napakalaki sanang opportunity na ibinigay ng mga ito sa kanya. For him, isa na itong malaking karangalan.

    From a source naman from INC, we learned na sila rin ay nanghihinayang sa naging desisyon ni Sen. Bong. Pero kahit pa daw ano ang mangyari, ang pagkakaibigang namamagitan sa kanila ay mananatiling solid. Lalo pa daw ang respetong ibinibigay nila sa Senador.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here