Home Headlines Sementeryo lubog sa tubig

Sementeryo lubog sa tubig

868
0
SHARE
Itinuturo ni Chris Bondoc ang nitso ng kanyang mga ninuno na lubog pa din sa tubig kayat plano niyang sumakay na lang sa bangka para ito marating. Kuha ni Rommel Ramos

MASANTOL, Pampanga — Ilang araw na lang ay Undas na pero lubog pa din sa hanggang hita na taas ng tubig ang mga nitso ng Holy Spirit Memorial Park dito. Ganito ang halos taon-taon na sitwasyon sa naturang lugar dahil sa epekto ng high tide at mga pag-ulan.

Hindi na daw halos natutuyo ang sementeryo kapag ganitong Undas dahil sa madalas bahain ang bayan ng Masantol. Dahil dito, marami na sa mga residente ang halos hindi na makapaglinis ng mga nitso.

Ayon sa residenteng si Chris Bondoc, wala na silang magawa sa ganitong sitwasyon kundi ang mapilitan na lumusong sa tubig o di kaya ay sumakay sa bangka upang makadalaw sa mga libingan.

Ayon naman kay councilor Bajun Lacap, bilang alternatibo ay may bagong tayo na pribadong libingan na maaring ilipat ang mga nakahimlay at ialis sa lubog na sementeryo ngunit aminado siya na hindi ang lahat ay makakayanan ang gastos nito.

Ang nakikita nilang pangmatagalan na solusyon dito para mapigilan ang pagbaha sa bayan ng Masatol ay malagyan ng ring dike ang bukana sa karagatan ng Manila Bay patungo sa kanilang bayan na siyang pipigil sa pagtaas ng tubig.

Ngunit aniya ay matatagalan pa ito dahil wala pang pondo na nakalaan para gawin ang proyekto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here