‘Seal of Good Housekeeping award confers to Angeles City Dad’

    312
    0
    SHARE

    HINDI NA talagang maaring pigilan
    Ang pagiging ‘multi-awarded’ ni EdPam
    Bilang ‘working mayor’ na tunay din namang
    Malinis at tapat sa panunungkulan

    Kung saan kabilang sa mga natanggap
    Na niyang parangal nitong nakalipas
    Ay isa na r’yan ang prestihiyosong ‘World Class
    City Mayor,’ na pangdaigdigang ‘award’

    At ilan pang bigay na parangal pati
    Nitong iba’t-iba pang ‘awarding body,’
    Na kung saan hindi lang ang DILG
    Itong sa kanya ay nagbigay papuri

    Kundi pati na rin mga ‘Non-Government
    Organization’ ay binigyan si Ka Ed
    Ng mga ‘citation as multi-awarded’
    Na naging Mayor ng Lungsod ng Angeles.

    Na kagaya ng nabangit sa itaas,
    Kung saan bagama’t pangwalo sa ‘world class
    City mayor’ lang ang nakamit na ‘award’
    Ng ating si EdPam dangal na ng lahat

    Sapagkat ang ganyang kwenta kompetisyon
    Ng pagalingan ng ‘World Class City Mayors’
    Ay di lamang isang daan ang nagtipon
    Upang ang marapat mabigyan ng honor

    Ay mahugot mula sa malaking bilang
    Ng mga kasali na pagpipilihan,
    Kaya kung siya ay mahinang klase lang
    Di makakasama ang ating si EdPam

    Sa pangdaigdigang kompetisyong tulad
    Nitong sa ibayong dagat ginaganap,
    At kung saan mga bansang de kalidad
    Ang nagsusugo ng kanilang ‘contestants.’

    Para lumahok at magpakita mandin
    Ng kanilang husay at taglay na galing;
    Gaya nitong mga city mayors natin
    Na di patatalo saan man yan dalhin.

    At maging dito sa ‘ting sariling bansa
    Ang ‘award’ kay EdPam ay kabi-kabila,
    Kung saan ang isa sa napabalita
    Ay itong kay Roxas na ‘late’ ng bahagya

    Bago kina Mayor ay naiparating
    Nitong DILG Secretary natin,
    Ang kompirmasyon na siya’y kabilang din
    Sa mabibigyan ng ‘Seal of Good Housekeeping’

    Ng nasabing sangay ng pamahalaang
    Interior at lokal na pangasiwaan,
    Kung saan si Mr. Palengke ang siyang
    Kalihim at tagapagpatupad bilang.

    Huli ma’t magaling may maihabol din,
    Yan ay kasabihang minana na natin;
    Kaya malaki ang pasalamat pa rin
    Ni Mayor EdPam sa butihing Kalihim.

    Bunsod na rin nitong ang naturang ‘award’
    Ay pangtatlo na sa binigay ni Roxas
    Sa kinikilalang ‘hard working city Dad,
    Sa loob lamang ng tatlong taong singkad.

    Ang itong bansag na ‘Seal of Good Housekeeping’
    Ay walang iniwan sa napakagaling
    Maglaan ng mga marapat gastusin,
    Sa ‘ting pamamahay ng magulang natin

    Na ultimong sentimo ng kanilang kita
    Ay naka-badyet kung saan mapupunta,
    Kaya suma-total malinis ang kwenta
    Ng anumang pinagkagastahan nila!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here