Scrap buyer patay sa ambush

    432
    0
    SHARE

    MASINLOC, Zambales – Dead on the spot ang isang scrap buyer matapos itong tambangan ng mga di pa kilalang suspek sa Provincial Road, Kilometer 9, Barangay Baloganon sa bayang ito.

    Kinilala ni Senior Inspector Pancho Doble, hepe ng Masinloc Police, ang biktimang si Jerry Cesar, 41, residente ng Purok Apitong, Barangay Baloganon.

    Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, papauwi na sakay ng tricycle na may plakang 4898-XI ang biktima at ang kanyang asawang si Remedios mula sa Sitio Mandaloy, Barangay Taltal nang pagsapit sa nasabing lugar ay hinarang sila ng tatlong di kilalang suspek na pawang nakasuot ng bonnet at armado ng mga baril.

    Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo mula sa kalibre 45 baril at long firearms na kaagd nitong ikinamatay, samantalang nakaligtas ang asawa nito makaraan makatakas mula sa mga suspek..

    Batay sa record ng pulisya, ang biktima at ang dalawang kasamahan ay may kasong “theft”na  naisampa sa Candelaria Municipal Trial Court noong August 21, 2008.

    Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo ng pagpatay at ang pagkakakilanlan sa mga suspek.

    Ayon sa Zamables PNP, ang nasabing krimen ay hindi election-related violent incident.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here