SC, isa sa prayoridad ni EdPam

    439
    0
    SHARE

    Sa lahat ng naging Mayor ng Angeles,
    wala pa, maliban marahil kay Ka Ed,
    ang nakaisip na magtakda ng ‘budget’
    para sa kapakanan ng mga ‘elders’

    O ‘senior citizens’ ng Angeles city
    nang mahigit sa isang porsyento r’yan bale
    ng ‘annual budget’ ng siyudad na nasabi,
    para sa taong dos mil trese’t katorse

    Kung saan ‘on records, 2013 alone’
    the government spent more than 20 million,’
    kasama pati na riyan ang ‘appropriations,
    para sa OSCA nitong naturang sector.

    At mula Enero hanggang Setyembre lang
    nitong 2014 ay ganun din naman
    ang pondong sa kanila ay inilaan,
    para sa iba’t-ibang programang kailangan

    Ng mga Senior Citizen sa Angeles,
    kaya’t masasabi nating si Mayor Ed
    ay lubhang kakaiba ‘in terms of services’
    at malasakit sa ka-Siyudad niyang ‘elders’

    Dala na rin nitong para sa butihing
    city Dad, ang Seniors ay may importanteng
    papel sa lipunan na marapat nating
    bigyan din naman ng mahalagang pansin

    Sapagkat aniya ay ang edad di hadlang
    upang ang tao’y di maging aktibo yan
    sa komunidad at kanyang pamayanan,
    sa anumang bagay na makakayanan

    At aniya ay kanyang pinagmamalaki
    na ang karamihan sa mga ‘elderly’
    sa Angeles di lang istambay parati,
    yan ay patunay na ‘part’ pa ng ‘society’

    Itong ating mga ‘senior citizens’ na
    may pitak palagi sa puso ng isa
    sa pinaka-tanyag na butihing ‘ama
    ng lungsod’, na lubos na kumikilala

    Sa kahalagaan saka karapatang
    pang-tao ng ating mga kababayang
    nasa dapit-hapon na ang kalakasang
    bigay sa kanila ng Diyos na Lumalang.

    Kaya naman lahat ng puedeng magawa
    ni EdPam para sa mga matatanda
    ng Angeles city ay talagang kusa
    at bukal sa puso niyang ginagawa

    Ang tumapyas kahit isang porsyento lang
    sa ‘yearly budget’ ng siyudad ang halagang
    mahigit 20 millions para sa ‘medical’
    at iba pang serbisyong kinakailangan.

    Tulad na lang nitong buwan ng Oktubre,
    na magmula a-uno hanggang a-siyete
    ay idinaos ang ‘Week for the Elderly,’
    sa ‘city hall during a flag ceremony’

    At kung saan itong mga tinatawag
    nilang ‘centenarians’ sa nasabing siyudad,
    binigyan sila ng ‘cash gift’ ng city Dad
    sa pangangasiwa ng OSCA officials.

    Ganyan kalingap si Mayor Ed Pamintuan
    sa lahat ng kanyang mga kababayan,
    partikular na sa marapat mabigyan
    ng matamang pansin, gaya ng naturan.

    Kaya naman, hayan ang butihing Mayor
    ay puring-puri ng lahat na ng sektor
    ng lipunan pagkat sadyang naa-ayon
    sa wastong pagkilos ang isinusulong

    At di kagaya r’yan ng ibang opisyal,
    na walang ginawa sa panunungkulan
    kung di mangurakot sa kabang ng bayan
    ng milyones habang palamig-lamig lang!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here