DTI poster-making contest isinagawa

    646
    0
    SHARE

    Kasama ni DTI Provincial Officer Leonila Baluyut (panlima mula kanan) ang mga nagwagi. Kuha ni Johnny R. Reblando

    IBA, Zambales –Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Department of Trade and Industy (DTI) ngayon buwan ng Oktubre ng Consumers Welfare Month na may temang “Sapat na Impormasyon: Susi sa Wastong Gamit ng Enerhiya,” isang poster-making contest ang isinagawa sa Iba Center Mall.

    Ito ay nilahukan ng ibat-ibang high school students mula sa una at ikalawang distrito ng Zambales. Layunin ng pa-contest na isalarawan sa pamamagitan ng kaisipan ng mga mag-aaral ang kahalagahan sa wastong paggamit ng enerhiya.

    Ang paligsahan ay may mga premyong gift certificate mula sa SM Olongapo sa halagang P3,000 sa 1st prize; P2,000 sa 2nd prize; at P1,000 sa 3rd prize Nanguna sa pa-contest si Lenard Morana, 4th year ng San Fernando National High School, Sta. Cruz, Zambales; pumangalawa si Felix Daniel Balbin, Grade 8, La Paz National High School, San Narciso, Zambales; at pangatlo si Axl Gyle Ednalaguin ng Bani National High School, Masinloc, Zambales.

    Si Morana ay lalaban sa gaganaping regional poster making contest sa City of San Fernando, Pampanga. Noong nakalipas na taon ang Sta Cruz, Zambales ang nanguna sa regional contest.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here