SBMA shooting capital ng Pilipinas

    78
    0
    SHARE
    Kahit humahagapit ang bagyong Ondoy, hindi kami nagpapigil sa pamamasyal sa SBMA. Sa imbitasyon ng SBMA Chairman na si Armand Arreza, through the eifforts of Arlyn Dela Cruz, we were herded at the SBMA pero ang masama lang, hinagupit kami ng lupit ng bagyo.

    Anyway, kahit nga malakas ang ulan, enjoy naman kami sa mga masasaganang pagkain na served sa amin. Nang gabing nasa Gerry’s Grill kami, humarap sa amin ang isang katoto sa press na si Mr. Ed Bersola. We were surprised na matagal na pala naming kilala si Ed. Siyang editor noong isang diyaryong pinagsusulatan namin,

    Anyway, we came to know na ito palang si Mr. Ed ay consulant ng SBMA kung kaya siya talaga ang trumatrabaho sa mga PR afairs ng SBMA. Sa kanyang pagharap sa amin, Mr. Ed informed us tungkol sa isang public affairs program sa tv na kanyang iho-host kasama ang isa pang kasama sa broadcasting. Iba raw ang konsepto ng public affais nila at ito talaga ay magiging iba sa mga kasalukuyan nating programa.

    Anyway, Mr. Ed will keep us posted sa kanyang programa at isa na naming tete-a-tete sa press ang kanyang ipag-iimbita kung sakali.

    Hindi ito ang unang pagpunta namin sa SBMA pero ang laki nang improvement mula sa huling padayo naming sa isang shooting ng isang international movie noon. Ayon nga sa aming guide na si Mr. Gigs Estalila, hanggang ngayon daw, talaga namang marami ang mga intenational film outfits who secretly do their thing at dito nga nila tinatapos ang mga movies nila.

    When asked kung true na nagtagal si Tom Cruise sa SBMA in connection with a big Hollywood movie, ngumiti lang ito na tila baga ibig sabihin ay nakita na niya nang personal ang sikat na Hollywood actor.

    Through this column, we would like to thank our newest friend, Gigs Estalila sa kanyang pagsisikap na maipasyal kami at magalugad ang SBMA. “Welcome po kaya, sana maulit itong muli,” sabi pa ni Gigs habang nagpaalam sa aming grupo nang kami ay umalis na SBMA.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here