Sarah Geronimo love na love pa rin ni Ronnie Liang

    638
    0
    SHARE

    Kinumusta namin si Sarah Geronimo kay Ronnie Liang. Hanggang ngayon ba ay may pagtingin pa siya sa Pop Princess?

    "You know, hindi naman nagbabago, hinahangaan ko pa rin siya. Lalo na ngayon, I’m happy for her na she has a lot of endorsements and projects. Pero hanggang hi and hello lang kami pag nagkikita sa ASAP 09," sey niya nang mainterbyu namin siya kasama ang kanyang mga ka-grupo sa Voizboys na sina Nico Antonio at Guji Lorenzana para sa kanilang concert sa Aug. 8 sa Metro Bar. Kasama rin nila si Jay-R Siaboc sa grupo pero may out-of-town engagement ito.

    "Kasi busy rin naman kami pareho sa ASAP, kaya hindi nga kami nakakapag-usap. Pero mas maganda na rin ‘yun para wala nang maging isyu pa. Parang napapansin ko kasi na hanggang ngayon ay parang may epekto pa rin sa kanya yung isyu sa amin before. Parang aloof siya sa akin. Pero haka-haka ko lang ‘yun, huh! Parang ‘yun lang ang napi-feel ko. Pero nag-sorry naman ako sa kanya before at sa mom niya na nabanggit ko nga siya sa interview ko," pahayag pa ni Ronnie.

    Samantala, iniintriga si Ronnie kung bakit sumali pa sa grupong Voizboys gayung may pangalan na siya at may solo career na under Universal Records.

    "Ang Voizboys kasi, parang segment ito sa ASAP 09. Parang halimbawa, ‘yung Sesyonistas sa ASAP, grupo sila, pero may solo career pa rin sila. Kasi nga ginawa ‘yun for a segment sa ASAP.

    "So, parang ganito rin ‘yung Voizboys: we are individuals, we have our own career, pero sa ASAP, group kami.

    "Kasi, di naman kami puwedeng kumanta sa ASAP na madalas na solo-solo dahil kulang sa oras," paliwanag ni Ronnie.

    Mariin pang sinabi ng singer na wala namang problema sa kanya kahit baguhan ang mga ka-grupo niya gaya nina Nico at Guji dahil naranasan din naman daw niya ang maging baguhan. Kasama rin nila sa grupo si Jay-R Siaboc.

    "Sa akin naman, I want to help sa mga kapatid ko, especially sa baguhan, para naman mabigyan din sila ng opportunity, kasi naging baguhan din ako before, nag-umpisa rin ako and I know ‘yung feeling na gusto mong magkaroon ng exposure, na maipakita ‘yung kakayahan mo, ganu’n."

    "At saka kung ano ang ibigay sa akin, masaya na ako. Kung ano ang iutos sa akin ng Star Magic at ni Kuya George Roca (Ronnie’s personal manager), kung ano ang ipagawa nila sa akin, I really love to do it," bulalas pa ni Ronnie.

    May out-of-town shows na rin ang VoizBoys. Kaya lang, may times na hindi nakakasama roon si Ronnie.

    "Kasi bago naman nabuo ‘yung grupo namin, may previous commitments na ako na ako lang mag-isa at hindi sila kasama. So ‘pag minsan may show sila, tapos ayun nga, may solo show rin ako, hindi nga ako nakakasama sa kanila.

    "Minsan naman, hindi lang ako ang wala sa grupo. Minsan, si Jay-R, minsan naman si Guji. Pero sa ASAP, lagi kaming buo. Hindi pupuwedeng may mawawala sa amin. Kailangan lagi kaming kumpleto."

    Pero true ba na subok lang ang Voizboys at bubuwagin din pag hindi nag-click?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here