Sarah ayaw nang mag-artista?

    389
    0
    SHARE
    Inamin ni Sarah Geronimo na sa ngayon ay medyo apprehensive siya na gumawa ng pelikula dahil parang nalilinya na lang daw siya sa iisang genre which is ang romantic comedy.

    “Dumating ’yung point na pinag-iisapan kong mabuti kung gusto ko ba talagang maging aktres. Kasi kung gusto kong maging aktres, kailangang maging fully committed ako, ’di ba po? Kung ano ang hinihingi ng istorya.”

    Hindi naman daw sa nagsasawa na siya sa rom-com kungdi naghahanap lang daw siya ng lalim. Pero ang hindi pa niya masagot ay kung kaya na niyang maging malalim na aktres.

    “Siguro, kailangan lang ng tamang panahon para maging maayos ang lahat,” sey pa niya.

    Sa ngayon ay excited si Sarah sa kanyang From The Top concert na gaganapin sa Dec. 4 and 5 sa Smar Araneta Coliseum.

    Kung manonood ang boyfriend niyang si Matteo Guidicelli sa kanyang concert, ’yan ang hindi masagot ni Sarah dahil aniya, napag-usapan na nila na i-separate ang kanilang career at personal na buhay.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here