Santa’s Gifts of Joy, binuksan na sa SM City Cabanatuan

    174
    0
    SHARE
    CABANATUAN CITY – Kasama ang mga opisyales ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, pormal na inilunsad ng SM City Cabanatuan ang pamaskong proyekto nito na nagbibigay kasiyahan sa mga kabataan na tinawag na Santa’s Gifts of Joy.

    Ayon kay Carolyn Del Rosario, assistant mall manager ng SM City Cabanatuan, ang paglulunsaid na isinagawa sa 4L, Roof Park nitong nakaraang Linggo ay dinaluhan nina Miko Vergara, anak ni Cabanatuan City Mayor Julius Cesar Vergara; Department of Trade and Industry provincial director Brigida Pili, at Cabanatuan City Social Welfare and Development (CSWD) chief Helen Bagasao.

    Kasama naman ni Del Rosario mula sa pamunuan ng SM sina regional manager Cesar Bondoc, mall manager Mark Carlo Herrera, at marketing senior manager Jeff rey Suarez.

    Nasa 30 kabataan na itinala ng CSWD ang kaagad na pinagkalooban ng regalo ngunit inaasahan na tataas ito ng mula 600 hanggang 800 kabataan sa kabuuan ng proyekto, ayon kay Del Rosario. Sinabi ng SM offi cial na tuloy-tuloy rin ang kanilang Bears of Joy kung saan kalahok ang lahat. Nilalagyan aniya ng pangalan ng costumer na bumili ang bear kaya’t batid ng ng recipient of ng tumanggap nito kung kanino nanggaling.

    “Yung nag-donate ay mayroon po silang pangalan so kapag ibinigay po namin ito sa mga bata ay alam nila kung sino yung nagbigay sa kanila,” paliwanang ni Del Rosario.

    “For 2016 Christmas season,” aniya, “ ganun pa rin po the joy of giving the spirit of Christmas should be celebrated with our families, yun ang importante,” sabi pa niya.

    Bago ang paglulunsad Roof Park ay isinagawa ang pormal na ribbon-cutting ng Christmas train.

    “We launched the Christmas train at the upper ground level of SM City Cabanatuan. The train symbolizes the journey of SM City Cabanatuan to give happiness especially to the kids and to the families who are visiting the mall,” paliwanag ni Del Rosario.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here