Sanggol na nilapa ng pitbull, ligtas na

    249
    0
    SHARE
    CANDABA, Pampanga — Ligtas na ang sanggol na isinugod sa isang pagamutan sa Maynila matapos itong lapain ng isang aso na may lahing ng pitbull sa bayang ito noong Linggo.

    Ang anim na buwang sanggol na lalaki ay agad na isinugod sa isang pagamutan sa Maynila ng mag-asawang Jun at Ailyn Mallari, residente ng Sitio 3, Barangay Bahay Pare, Candaba.

    Ayon sa Candaba PNP, maayos na ang kalagayan ng bata samantalang ang aso namang si Bruno ay nakakulong pa rin sa hawla at patuloy na inoobserbahan bilang bahagi ng proseso kapag nakakagat ng tao ang isang aso.

    Matatandaan na ayon sa katiwala ng pamilya Mallari na si Jun Soliman, nakatali ang asong si Bruno sa puno habang natutulog ang sanggol sa duyan noong Linggo ng umaga samantalang namamalantsa naman ang ina nito katabi lamang din ng bata.

    Biglang nakalas sa pagkakakadena ang aso at agad na sinunggaban ang natutulog na bata sa ulo.

    Ayon kay Jan-jan Vargas, may kalakasan ang aso at mahigpit ang pagkakakagat nito sa sanggol kayat kahit na apat na katao na silang nagtutulong-tulong ay nahirapan silang pigilin ang naturang aso.

    Duguan na ang ulo ng bata nang ito ay tigilan ng aso kayat agad itong isinugod sa pagamutan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here