Sam Pinto tatlong milyong pisong tumataginting kung magpabayad

    522
    0
    SHARE

    Sam Pinto is now indeed in the roster of the big stars in local showbiz.

    Hindi na talaga maawat ang kasikatan ni Sam Pinto  who belongs to Claire de la Fuente’s stable of beautiful and talented stars. Patunay lamang na si Sam  ay made  na bilang actress kahit di pa man tumatagal sa industriya. Nasa hilera na siya ng may pinakamataas  na talent fee. Imagine, sa commercials lang, she commands a P3 million asking price at kinakagat naman dahil naniniwala sila sa gayuma ng ganda ni Sam.

    Kabilang sa mga commercial niya ang San Mig, Fitrum, Creamsilk at malapit na ring Makita ang billboard niya sa EDSA  for Smart  with the Philippine Azkals.

    Samantala, nagkaroon ng fans day si Sam na ang mga dumalo ay mga galing sa sosyal  na pamilya mula pa sa  iba’t ibang lugar.  Dahil  sa tinamong papuri ni Sam sa ‘Tween Academy: Class of 2012,’ inimbitahan ng manager niyang si Claire de la Fuente  ang mga fans  sa isang dinner bonding sa  restaurant niya Seafood Market  sa Macapagal Avenue.

    Inabot  ng  12  midnight ang naturang fans day  kaya  tumuloy  na si  Sam sa taping ng   Bubble Gang kung saan she’s a regular member now.  Masaya  si Sam  sa experience  niya  on the show  kasama sina Ogie Alcasid, Michael V, Maureen Larrazabal, Rufa Mae Quinto  and the rest  of the gang. Nagpapasalamat siya sa kanilang tulong  on how  to act  right sa comedy.

    Tinaggap din ni Sam  ang hamon ng Viva Films  na  gampanan   ang role na ginawa noon ni Hilda Koronel  sa Angela Markado ni Carlo J. Caparas. Para kay Sam isang malaking karangalan  ito  kaya ayon sa kanya, pagbubutihan niya  ang pagganap.  Nakaka-challenge  daw  kaya’t asahan na siya ang next  big star sa taong papasok.

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here