Saan pa pupuwesto si Dingdong Dantes??? Richard Gutierrez number one matinee idol sa Pilipinas

    93
    0
    SHARE
    As it is, number one matinee idol sa Pilpinas si Richard Gutierrez. Yes, sikat din si Dingdong Dantes pero mukhang ‘di ito aaobt sa kinalalagyan ni Chard.

    Look, bongga ang press launch ng bagong teleserye ni Richard Gutierrez sa GMA 7 titled Full House sa 55 Events Place .  Matindi ang halikan nina Chard at Heart Evangelista sa MTV ng serye. May kilig factor ang dalawa. Napakaganda ng mga eksenang kinunan sa Prague , Czech Republic.

    Aliw din kami kay Heart nang kantahin niya ang theme song ng Full House at pinipilit niyang kumanta rin si Richard at sabayan siya. Sabi ni Chard shy siya at ipakikita na lang daw niya sa Full House ang pagkanta niya at pagsayaw sa naturang awitin. Panoorin din ang kanyang comic side.

    Ayon sa number one matinee idol ng Kapuso Network, masarap din ang magkaroon ng serye na light at normal na tao. Kadalasan kasi ay may fight scene, may blasting, may harness, at mga fantasy ang ginagawa ni Richard.

    “Masarap gumawa ng romantic-comedy,” aniya.

    Actually, nagkukuwentuhan nga sila ni Patrick (Garcia) na masaya ang ginagawa nilang serye dahil huli nilang pagsasama ay sa Captain Barbell.

    Sa Korean version ay madalas makita roon na sexy at naka-topless si Rain. Maghubad din kaya si Richard na magpasexy sa Full House? Nire-ready raw niya ang sarili sa mga ganoong eksena.

    Hindi rin maiwasan na ikompara siya sa bida ng Korean version pero sanay na siya sa comparison ganyan din ang nangyari sa kanya sa Zorro. Nandoon daw ang pressure pero pinipilit niyang maiba at sarili niyang version ang mapapanood.

    Sa Nobyembre 30 na magsisimula sa GMA Telebabad ang Full House at mapapanood ito pagkatapos ng Darna. Kasama rito sina Patrick Garcia, Isabel Oli, Rainier Castillo, Kempee De Leon, Epi Quizon, Sheena Halili, Racquel Villavicencio, Chariz Solomon, Marky Lopez, Ronaldo Valdez, at Pilita Corrales.


    SHARE
    Previous articleDo a Quickie
    Next articleArroyo files COC

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here