Home Headlines SA MGA KINAUUKULAN, NAWA KAYO’Y BUKULAN

SA MGA KINAUUKULAN, NAWA KAYO’Y BUKULAN

136
0
SHARE

Puspos ng pagpipitagan, hinahon, at paggalang ang pahayag ng Pampanga Pottery, isang pabrika ng palayukan sa Sto. Nino-Sapa, Sto. Tomas, Pampanga:

“Hindi po namin kailangan ng ayuda. Gusto lang po namin mamuhay ng normal, yung hindi kailangang mag back-to-zero taon taon.

May mga umaasang pamilya po sa aming maliit na negosyo. Pinasok na po ng tubig ang ating camalig. Mas mataas na po ito ngayong gabi at aasahang tataas pa sa mga susunod na araw. Hindi na makatrabaho, hanggang dibdib na po ang tubig sa labas. Hindi na rin makalabas ng Sto. Tomas kung hindi sasakay sa truck.

Maraming salamat po sa mga prayers niyo. Alam po namin na makakabangon po kami ulit, tatawaging resilient, pero napapagod din po kami.”

Sa kabila nito, sa harap ng walang katapusang sikulo ng taunang delubyo, ang lipos na pagtitimpi na maaaring isang araw ay sumambulat sa mukha ng mga nanunungkulan.

Punto Opinion/Photos: Pampanga Pottery FB Page

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here