Sa kinauukulan

    163
    0
    SHARE

    NA NAGRESULTA nga sa pagkadisgraya
    ng pasyente gayong ito’y malakas pa,
    at kundi nga lang sa lubhang nag-apura
    (itong doktor) hindi magkaka-aberya.

    Pero kung sana ay kanyang kinausap
    muna ang mister n’yan at/o mga anak
    at kanya rin namang inisplika’t lahat
    ang ‘consequences’ ay pihong di papayag

    Na isugal ang buhay ng kapamilya
    sa isang delikadong pagsagawa niya
    ng pag-‘dialysis,’ kasi mas nais pa
    ang iuwi na lang ng buhay, hindi ba?

    Kaso, sanhi nga ng uhaw sa salapi
    ang naturang ‘Nephrologists’ na malandi
    pa kaysa ‘prosti’ kung umarte – pinili
    ang kumita yan sa paraang madali.

    Pagka basta na nga lang n’yan itinuloy
    ang pag-dialysis kahit di tinanong
    o nabigyan man lang ng pagkakataon
    ang isa ‘to seek for a second opinion’.

    Ngunit kung sana nga’y kinausap muna
    ng doktor na ‘yan ang marapat talaga
    na magdesisyon at sa ‘waiver’ pipirma,
    malayong hahantong sa ganyang problema.

    Subali’t nang dahil sa oras na iyon
    na i-conduct ang maselang operasyon
    ay wala si mister… nagawang ituloy
    ni I.R. para lang kumita ang mokong?.

    At ang isang bagay na kapuna-puna
    sa doktor na ‘yan ay sobrang malapit siya
    sa apo mismo ng kanyang inopera,
    kung kaya’t posibleng ya’y nakumbinsi niya

    Na ito na lang ang kanyang papirmahin
    sa ‘waiver,’ na isang dokumento mandin
    o kasulatan na wari’y nagsasabing
    ang doktor ay walang anumang sagutin?

    Sakali’t mamatay man o madisgrasya
    sa ‘medical treatment’ na gagawin nila?
    (Kaya pindangin man tayo nitong iba
    ay walang habol ang ating kapamilya?!)

    At sa akala ba ng doktor na ito
    ay matatakasan basta ang ganito
    ngayong ang pumirma ay apo lang mismo
    ng pasyente at di ang asawa nito?

    Ga’no man kabait ang asawa’t anak
    nitong biktima ay di mapapalampas
    ang ganyan, kaya nga’t inihabla lahat
    pati na ang iba pang managot dapat.

    Partikular na r’yan itong nagmadali
    na i-dialysis ‘yan at naging sanhi
    nga nitong masaklap niyang pagkasawi
    sa kamay ng walang kaluluwa’t imbi.

    At para kumita lang ang tulad nito
    na anila’y dalubhasang siruhano
    ay nagagawa nga n’yan kahit ano
    masunod lamang ang kakaibang kapritso?

    Di baleng ang buhay ng kanilang kapuwa
    malagay pati sa panganib ika nga?
    Na hayan at sana’y magsilbing babala
    sa iba pa itong ating naging paksa.

    (Ating ninanais paalalahanan
    itong ating ‘subject’ sa puntong naturan,
    na isuko na ang naging kasalanan
    kay ‘yours truly’ at sa kinauukulan!)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here