Ni ‘yours truly’ hinggil sa wala ng balak
Tumakbo ang dating Alkalde ng Siyudad,
Na si Dr. R.A., yan ay maliwanag
Na indikasyon din sa kampo ni EdSa
Ang posibleng siya’y hahayaan muna
Nilang makatapos ng ‘3-terms’ kumbaga
Bago mag-aspire sa ‘mayorship’ ang iba?
Gaya ni Lazatin, na sa ganang ating
Sariling pananaw ‘most qualified’ na rin
Para maging city Dad kung gugustuhin
Pagkat mahusay at mapanaligan din
Sa panunungkulan at ‘active’ talaga
Bilang Vice Mayor na ka-tandem ni EdSa
Sa pamamahala ng Siyudad – at saka
Bilang ‘presiding officer’ na bihasa;
At ‘visible’ lagi sa kanyang tanggapan
Mula Lunes hanggang Biernes, at kung misan
Ay makikita rin sa bara-barangay
Para bisitahin n’yan ang mamamayan.
Aywan lang sa hindi kapartido nila
Kung may magnanasang kumandidato na
Sa pagka-Alkalde pagkat tahimik pa
At wala pang nagparamdam kahit isa.
At ang hinggil sa tsimis na kumakalat,
Kung saan umano si Oca may balak
Balikan ang dating posisyon sa siyudad,
Ya’y lubhang malayo sa ating hinagap
Sapagkat di ganyan kababaw si Oca,
Na sa isang iglap kakagat ika nga,
Sa isang bagay na di ikadakila
Ng pagkatao niya sa mata ng madla.
Matagal kong nakasama si Congressman,
Bago pa man siya naging Alkalde riyan
Ng ‘component city’ nitong lalawigan,
Kaya kilala ko siya ng lubusan.
Simpleng tao at banayad magsalita,
Ganyan kapayak ang estilo ni Oca;
At di nangangako ng di magagawa
Para lang umasa ang iba sa wala.
Sa kabuoan ay tapat makisama
Si Oca sa lahat ng kaibigan niya,
Kaya masasabi nating walang duda,
Na si Cong Oca ay matapat talaga.
Kaya ano pa mang ating maririnig
Hinggil kay Congressman Oca S. Rodriguez,
Yan kung minsan dala lang ng nagnanais
Sirain ang 3rd District Representative
Ng hindi kasangga upang sila naman
Ang makilala sa klase ng lipunan
Na ginagalawan sa kasalukuyan
Ng ating ngayon ay butihing Congressman.
Sa puntong naturan ay makaka-asa
Ang sa city hall ay dati niyang kasama
Na hindi ‘threat’ si Cong Oca sa kanila,
Partikular na nga riyan kay Mayor EdSa.
Sapagkat kagaya ng ating nasabi,
Si Oca’y tapat sa kanyang sinasabi;
At di niya kailanman sisirain pati
Ang tiwala lalo ng nakararami!