Bilang isang artista, bukod pa sa hindi naman maide-deny na well-off naman talaga ang pamilyang pinanggalingan ni Heart, ay fashionista naman talaga siya at glamorosa.
Pero ngayon, ayon na rin mismo kay Heart, ay mas naging praktikal na siya, dahil na rin sa impluwensya ni Sen. Chiz.
“Noong nakilala ko siya, ipinakita niya sa akin kung paano talaga maging praktikal,” share ni Heart during an interview sa pagbisita niya sa isang radio station sa Davao City.
“Parang I’ve become a better person, ’ika nga. Para siyang blessing sa akin dahil para siyang teacher sa akin,” dagdag pa ni Heart.
Busy man sa kampanya ang mag-asawa, ay hindi naman daw sIya pinipressure ng kanyang hubby. Kumbaga, for Heart, ay talagang willing lang siyang sumama sa pangangampanya nito para magbigay ng suporta.