Rodolfo Jackson hinahanap ang nawawalang ama at mga kapatid

    285
    0
    SHARE

    Marami nang ipon si Rodolfo Jackson sa kanyang paninirahan sa California. Biruin mo nga naman, 1992 pa nang mag-migrate siya sa America, antimano nakapagtrabaho naman siya. Kaya di naman biro na meron na rin naman siyang ipon at puwede nang mamahinga pag-uwi niya sa Pilipinas.

    Sa kasalukuyan , Rudy Jackson is working as a nursing assistant in a veteran hospital in California. Bagamat medyo mahirap ang trabaho, napagtiyagaan niya ito dahil nga nagpilit siyang makaipon ng malaking halaga. Marami pa kasing balak si Rudy na kung tutuusin, di pa niya natutupad.

    Nung nasa Pilipinas daw siya, polynanna attitude ang pinaandar niya. Dahil nga puwedeng sabihing maganda naman ang buhay showbiz niya noon, in managing several bars in Metro Manila, nakakahawak din naman siya ng malaking pera.

    “Pero walang kinapuntahan, lagi pa ring kulang, ewan siguro dahil di naman talaga ako masaya sa ginawa ko noon.

    Kahit sabihin pang nakasalamuha ko ang maraming artista, parang feeeling ko marami ang kulang sa pagkatao ko,” sersyosong pagkukuwento pa ni Rudy. Kaya nga raw nang maging asawa niya ang isang nurse na nagdala sa kanya sa California, isang aral ang natutunan niya. “Minsan lang dumating ang pagkakataon kaya kailangang samantalahin ko na,” sabi pa nito.

    Did you know noong isang taon, nakauwi na siya sa Pilipinas to celebrate his birtrhday. Inimbita niya lahat ang mga kaibigan niya from the past at isang reunion sa isang engrandeng restaurant ginanap ang lahat. Dahil nga may ipon naman Rudy he can afford a grand vacation pero still nababawan siya at hindi masaya.

    Sa isang birthday daw niya now in his senior year, balak din nitong magbakasyon but this time meron siyang pangarap na gawin. Hahanapin daw niya ang nawawalang ama at mga kapatid na noon pa niya inaasam na makilala.

    Malungkot si Rudy in sharing his life story sa amin. Sa pamamagitan ng Skype, inalala ni Rudy ang kanyang namapaya nang ina na mag-isang nagtaguyod sa kanya. Wala na raw siyang nakagisnang ama at tanging sa kuwento na lang ng ina ang tungkol sa nakaraan niya.

    Anak daw siya ng isang taxi driver who drove his own fleet ng Dacanay Taxi. Taga- Tondo raw ang ama nito sa pag-uwi niya lulubusin ang paghanap sa nawawala niyang mga kamag-anak. “Hindi ko alam kung patay o buhay pa siya, but he is now around 80 years old na kung sakali.

    I would still have to ask my aunts kung ano ang tunay na pangalan niya, the latest I heard may mga kapatid daw ako sa kanya who are living in Ilocandia. My mom’s maiden name is Zenaida Ocampo, at aling Zeny ang tawag sa kanya.

    If by chance may makabasa nito na Dacanay ang apeliyido, baka sila na ang mga nawawala kong kapatid. Sana po, makipag-communicate sila sa akin through Facebook, Rodolfo Jackson po ang profile ko,” pakiusap pa ni Rudy.

    Puwedeng sabihing makulay na personalidad si Rudy pero para sa kanya tila may nawawala pang kulay ang malaking bahagi ng kanyang buhay, Tulungan po nating maipinta nang tuluyan ang mapusyao na kulay ng kanyang buhay.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here