Rochelle Pangilinan GMA artist na?

    474
    0
    SHARE
    Very healthy ang senyales na minsan pa, hit na naman si Rochelle Pangilinan sa bago niyang Daisy Siyete afternoon serye. Dami nga kasi ng intriga at isa na rito yung mas pabor daw sa kanya si Joy Cancio kaysa kay Jopay Paguio na isa ring star ng SexBomb. Two in a row kasing nagbida si Rochelle at bigla na lang nawala sa eksena si Jopay.

    Umalis na raw ba ito sa Sexbomb dahil sa insecurity kay Rochelle?

    Wala raw katotohanan, ayon na rin sa kaibigan namin at may-ari ng Focus E na si Joy Cancio, na producer din ng successful at pitong taon nang namamayagpag na Daisy Siete sa kumakalat na balitang umalis na sa Sexbomb si Jopay Paguia.Paliwanag ni Joy, nagpaalam daw sa kanya si Jopay na hindi muna magiging visible sa Sexbomb at sa Daisy Siete dahil gusto nitong mag-focus sa kanyang business dahil malaki raw ang inilabas niyang puhunan ditto

    “Naiintindihan ko naman siya, kasi nagpaalam naman siya nang maayos kaya sino ba naman ako na hindi siya papayagan?” say ni Joy.

     Anong business ba naman ang binuksan ni Jopay?

    “Ang alam ko cart , hindi ako magsyadong sure, pero ang alam ko malaki talaga ‘yung naging puhunan niya kaya kailangan  talaga niyang tutukan.”

    Sa tanong kung nagpakasal na sina Jopay at dyowa nitong si Joshua Zamora, sagot ni Joy: “Ang alam ko sa ngayon hindi pa. Napag-usapan na yata nila kung kailan pero definitely hindi pa ngayong taon ‘yun.”

    Babalik pa ba si Jopay sa Sexbomb?

    “Oo naman. Siguro kapag okey na ‘yung business na binuksan niya, babalik na siya sa grupo at puwedeng mag-Daisy

    Is it true na hawak na ng GMA 7 si Rochelle? May reporter kasing nagsulat na kesyo lagi raw si Rochelle sa office ni Wilma Galvante. Halata na gawa-gawa lang ng reporter yung sinabi, kasi nga hayagang nag-dare sa reporter si Rochelle kung mapaninindigan niyan’g isunulat.

    Both Rochelle and Joy vehementl ydenied the issue.

    “Pero kung kukunin nila si Rochelle, why not, ikatutuwa ko pa yun, but for now, wala pong offer,” sabi pa ni Joy.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here