MALOLOS, Bulacan — Tampok ang turismo at kalinangan ng Pilipinas sa pagsasagawa ng World Robot Olympiad sa bansa ngayong Sabado, Nobyembre 6, ayon sa Science and Technology Information Institute (STII) ng Department of Science and Technology (DOST).
Sa isang pahinang pahayag, sinabi ng STII na sa panahon ngayon ng modern gaming technologies katulad ng virtual gaming at mobile gaming, ang mga sinaunang laro ng Pilipino ay unti-unting naglalaho.
“But, not this time, as the Philippines hosts the 2010 World Robot Olympiad (WRO) where robots are tasked to play games that are of Philippine origin,” ayon sa STII.
Ito ay dahil sa pagsasagawa ng paligsahan para sa junior high school category ng WRO, ang mga kasaling robot na likha ng mga estudyante ay maglalaro ng “tumbang preso.”
Ang tumbang preso ay isang laro na ang layunin ay maibuwal ng mga manlalaro ang isang lata na binabantayan ng taya. Kailangan mabawi o makuha ng manlalaro ang kanyang pato habang nakabuwal ang lata at makabalik sa ligtas na puwesto o base.
Ganito rin ang gagawin ng mga robot sa larong tumbang preso.
Sa senior high school category, ang mga robot na binuo ng mga kalahok na mag-aaral ay maglalaro ng palosebo.
Ang palo sebo ay karaniwang nilalaro sa Pilipinas kapag piyesta kung saan ang mga kabataan ay umaakyat sa posting kawayan na may padulas. Layunin ng laro na maakyat ang madulas na poste at makuha ang watawat sa tuktok ng posteng kawayan.
Sa paglalaro ng mga robot na kasali sa larong palosebo sa WRO, aakyatin nila ang dalawang poste at kukunin ang bola sa tuktok ng mga ito.
Ayon kay Dr. Ester B. Ogena , ang 2010 WRO National Advisory Committee vice chair at Science Education Institute director, ang WRO ay magsisilbing isang showcase ng kultura at kagalingan ng mga Pilipino.
“The Philippine government is very excited to spearhead this year’s WRO. It is not only a competition but a great avenue to promote Philippine culture,” aniya.
Sinabi pa ni Ogena na ang pagsasagawa ng WRO sa bansa ay magpapatunay na may kakayahan ang bansa na pagsagawaan ng pandaigdigang kumperensiya at bilang isang tourist destination.
“We look forward to increasing the number of tourists coming into the Philippines with parents, coaches, teachers, students and international organizers of the WRO taking a look of the beauty of our country,” ani Ogena.
Isa sa mga paligsahan sa WRO ay magpapakita ng mga tourists destination ng bansa.
Sa elementary division, sinabi ni Ogena na ang mga robot at magtutunggali sa larong “Tour of the Philippines .”
Layunin ng laro na matukoy ang demarcated line sa inihandang mapa ng Pilipinas na nilagyan ng mga harang, kurba at ia pang obstacles.
Tampok sa inihandang mapa ng Pilipinas ang ibat-ibang tourist spots sa bansa.