Robin Padilla, Mariel Rodriguez parang laging bagong kasal

    317
    0
    SHARE

    Bakit nga ba hindi pa nagkakaanak sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez? Kulang ilang taon na rin naman silang kasal, pero bakit nga ba wala pang baby?

    Ayon kay Binoe ay mas okey na raw muna ang ganitong wala silang anak.

    “Wag muna ’tol. Kasi bagong kasal kayo, enjoy-in n’yo muna,” sey niya.

    Nalalapit na ang Valentine’s Day, ano ang plano niya?

    “Siyempre, kasama ko ang aking nag-iisang asawa.”

    Talaga bang nag-iisa na lang?

    “Oo siyempre,” mabilis niyang sagot. “Medyo mahirap ang buhay ngayon.”

    Sa Araw ng Mga Puso, wish ni Binoe na mabigyan naman daw ng bakasyon si Mariel mula sa Willtime Big Time na programa ni Mariel sa TV5.

    “Kasi, ang gusto lagi ni Willie (Revillame, host ng Willtime Big Time), laging live sila, eh. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin namin pero siyempre, nakasalalay ’yun sa trabaho niya.”

    Weekdays kasi natapat ang Feb. 14, Tuesday to be exact, kaya may trabaho nga si Mariel.

    “Kung hindi siya papayagan (na um-absent), doon ako. Maglalagay na lang ako ng table do’n kung saan man siya.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here