Sobrang nasaktan pala si Robin Padilla sa bintang sa kanya ng creative team ng GMA 7. Na kinontrol di umano niya’ng Totoy Bato at binalewala ang mga artists na involved dito.
Agad sumagot ang kampo ni Robin throrugh Betchay Vidanes na siyang tumatayong manager ni Robin.
“Magmula sa umpisa, walang ginawa si Robin na hindi alam ng aming Senior Production Manager na si Redgie Acuña-Magno at ng aming executive na si Joseph Boncalan. Ang tangi lang hinangad ni Robin ay ang mapaganda na hindi over budget ang palabas na Totoy Bato. Labis siyang nagsumikap na pag-ibayuhin ang Totoy Bato dahil iniingatan niya ang tiwalang ipinagkaloob ni Direk Carlo J. Caparas at ng GMA management nang siya ay bigyan ng ganitong kalaking proyekto. Ang pagmamahal at sakripisyo ni Robin sa trabaho at sa mga manonood ay sinuklian ng magagandang ratings at suporta ng mga advertisers. Maraming salamat sa lahat ng naniniwala. – Betchay Vidanes”
Ang mga pahayag na ito ng kampo ni Robin ay tila taliwas naman sa sinasabi ni Suzette Doctolero, head writer ng Totoy Bato, sa mga nakakausap niya , pati na sa kanyang entry sa isang Internet forum.