Home Headlines Rigodon sa kandidatura sa NE pinangunahan ng mga Umali

Rigodon sa kandidatura sa NE pinangunahan ng mga Umali

146
0
SHARE

CABANATUAN CITY – Ilang araw bago sumapit ang November 29 deadline para sa pagpapalit ng mga kandidato, magkakasunod na naghain sa Commission on Elections ng kani-kanilang kandidatura ang mga miyembro ng pamilyang Umali sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Pasado ala-una ng hapon nitong Martes nang magsampa ng certificate of candidacy para sa pagka-bise gubernador si dating bokal at Cabanatuan City Vice Mayor Anthonio Emmanuel Umali.

Siya ay naideklarang substitute candidate para kay Peñaranda Mayor Ferdinand Abesamis na nag-withdraw ng kandidatura sa nasabing posisyon noong Nobyembre 20.

Batay sa record ng Comelec Nueva Ecija, pasado alas-dose ng tanghali nitong Lunes naman naghain ng kandidatura si Gov. Czarina Umali bilang substitute candidate ni dating Bongabon Mayor Luisito Ronquillo sa pagka-kinatawan ng ikatlong distrito ng Nueva Ecija.

Biyernes nitong nakaraang linggo ay nagsampa rin ng kanyang COC sa pagka-gubernador si dating punong lalawigan Aurelio Umalut bilang substitute sa kanyang nakatatandang kapatid Gil Raymond Umali.

Si dating board member at Vice Mayor Anthony Umali ay pinatawan ng dismissal at perpetual disqualification from holding public office ng Ombudsman matapos maisangkot sa di-umano’y pagri-repack ng kahun-kahong relief goods ng DSWD.

Perpetual disqualification din ang hatol ng Ombudsman kay dating Gov. Aurelio Umali dahil naman sa pagsasangkot sa kanya sa kontrobetsital na fertilizer scam.

Pero kapwa itinatanggi ng magkapatid ang akusasyon at iniaapela ang nasabing mga desisyon.

Samantala, nagpalitan ng posisyon na tinatakbuhan ngayon sina dating konsehal Ramon Garcia at Gabriel Calling sa lungsod na ito.

Mula sa unang inihain na kandidatura ni Calling para alkalde ay bumaba siya sa pagka-bise alkalde samantalang kasaliwa nito si Garcia.

Pinalitan naman ni dating Kon. Ari Severino ang nag-withdraw na kandidato na si Richard Medina para sa posisyon sa sangguniang panlungsod.

Lahat sila ngayon ay tumatakbo sa ilalim ng partido Unang Sigaw na pinamumunuan ni dating Gob. Umali.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here