Richard-KC movie maganda ang review

    361
    0
    SHARE
    Naghusga na ang ilang kritiko na di hamak na mas maganda ang pelikulang WhenI Met U na kasalukuyang palabas pa sa mga sinehan ngayon, kesa unang movie outing nina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa Star Cinema.

    Sabi pa nga ng isang kritiko, hindi raw pang-award ang movie pero sobrang nakakilig ito. Posible raw na magkaroon ng acting award dito sina KC at Richard dahil nga pinagbuti naman nila’ng kanilang acting sa naturang pelikula.

    Simple lang daw ang pagkagawa ng pelikula which is directed by Joel Lamangan. Maraming eksena raw dito na makaka-relate ang viewers.   May mga touching scenes daw rito at halimbawa yung supermarket scene where Tracy (played by Iya Vilania) suddenly shows up at yung rainy night where Benjie visits Jenny in her room and her blind father knocks on the door.

    Marami nang nagawang movie si Richard pero nakakikilig at higit na entertaining ang isang ito.  Puwede na raw itong ikumapara sa movie nila ni Marian Rivera last year pero mas nakahihigit pa rin When I Met U.

    Clearly, very positive ang mga reviews ng When I Met U kaya inaasaang magiging megablockbuster ito ngayong 2009.

    Higitan kaya ito ng You Changed My Life ng Star Cinema?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here