Richard Gutierrez ipinagtanggol sina Raymart at Claudine

    343
    0
    SHARE

    Naki-side si Richard Gutierrez sina Claudine Barretto at Raymart Santiago sa gulong kinasangkutan ng mag-asawa laban sa media man na si Mon Tulfo.

    Natural lang naman yun, siyempre, magkasama sila sa GMA 7 at yun ay bilang damage control na rin sa masamang imahe ni Claudine na lalo pang pinasama ng insidente.

    Dapat talaga, sila-sila ang magkampihan. In the same manner, na siyempre very emotional din ang Tulfo Brothers dahil sa pambubugbog sa respetado nilang kapatid.

    Kahit sino nga naman would do the same lalo na na’t argabiyado na ito. Napanood nga raw ni Richard Gutierrez ang kumalat na video.

    “Mabait kasi ang mag-asawa at kilala ko sila. Kung hindi siguro na-provoke, Hindi magkakaroon ng gulo,” sambit ni Chard sa interview sa kanya.

    Pero, hindi niya sinisisi ang mga taong kumakampi kay Tulfo.

    “Baka kasi hindi nila kilala si Ate Claudine, si Kuya Raymart. I guess we just keep our opinions to ourselves and hope na maayos ang lahat at kung sino ang may kasalanan, sana managot.

    Maiwasan din ang ganoon sa taong gaya ni Tulfo na respetado sa journalism. Kagaya nina Claudine at Raymart na respetado naman sa showbiz industry,” paliwanag.

    Nabalitaan din ng actor ang diumano’y pagbabanta ng mga Tulfo sa mag-asawa.

    “Nabalitaan ko rin ’yan. Yeah, I consider it as a threat. Puwede ring ilaban ’yon sa kanila. Pero sana, he didn’t mean it. Sana out of anger or frustration lang. Siyempre, kapatid din niya ’yung involved,” saad ng actor.

    Mali ba ’yung kukunan sina Claudine?

    “Para sa akin, ah, hindi rin, hindi rin tama. For me, huh! Na ganoon. Kasi… Ewan ko. For me, sana nagpaalam muna. Nu’ng sinabihan na huwag na, sana tumigil na.

    Siyempre ako, may mga experience rin akong you wanna be private at times.

    Siyempre, ’yung mga artista, normal ding tao. May emotions din sila. Nagagalit sila.

    Hindi naman kami robots, ’di ba?

    “Sana, nirerespeto rin ang privacy ng artista. So, ’yun lang ang point ko. Sana, when somebody asked to stop taking pictures, videos, sana respetuhin,” paliwanag ni Richard.

    Dagdag pa niya, “Sana magkaroon ng CCTV sa airport para magkaalaman na. Hahaha!”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here