Home Headlines Relief operation patuloy

Relief operation patuloy

678
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Humina at lumihis palayo ang super typhoon Rolly kaya hindi nasalanta ang Bataan ngunit nagpaabot pa rin ng tulong ang pamahalaang panlalawigan sa mga taong naapektuhan ang kabuhayan tulad ng mga mangingisda.

Sinabi ni Gov. Albert Garcia ngayong Miyerkules na bukod sa hindi nakapalaot ang mga mangingisda dahil sa sama ng panahon, nakaapekto rin sa kanilang kabuhayan ang pagkakaroon ng red tide sa mga coastal areas.

Hirap din, aniya, ang mga tao dahil sa umiiral na pandemya dulot ng coronavirus disease.

Noong Martes ay namahagi, ani governor, ang pamahalaang panlalawigan ng 250 food packs sa mga residente ng Barangay East Daan Bago sa Samal at 350 food packs naman sa Omboy at Wawa, mga barangay sa Abucay.

Naglalaman ang mga food packs ng 5 kilong bigas, 2 latang sardinas, 2 latang corned beef, 2 latang luncheon meat, 10 sachets ng kape at 4 pakete ng noodles.

Isusunod na rin umano ang pamamahagi ng food packs sa iba pang bayang apektado ng red tide.

Bukod sa Samal at Abucay, apektado rin ng red tide ang mga bayan ng Hermosa, Orani, Pilar, Orion, Limay at Mariveles, at lungosd na ito.

Ipinagbabawal ang pagkain, pag-aani, pagbebenta at pagbibiyahe ng mga shellfish tulad ng tahong, talaba at lukan na galing sa mga bayang nabanggit.

Asahan ninyo na laging handa ang ating pamahalaang panlalawigan na tumugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayang higit na nangangailangan ngayong panahon ng tag-ulan at sa gitna ng pandemyang ating kinakaharap,” sabi ng governor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here