Regine V humiga sa kabaong

    565
    0
    SHARE
    Tuwang -tuwa , hindi lang ang fans ni Regine Velasquez sa Poor Señorita, kundi lahat ng nakakapanood ng rom-com series, napapatawa ng show. Puro positive ang comment nila sa bawat episode, kaya gabi- gabi nagte-trending ang show.

    Laugh trip ang eksenang humiga’t natulog sa kabaong si Regine, hindi akalain ng viewers na papayag siyang matulog sa kabaong.

    Pero mawawalan ng tulugan si Regine dahil ibebenta ang kabaong para ipambili ng gamot ng isa sa mga yagit.

    Ang pinakamagandang comment kay Regine ay galing sa asawang si Ogie Alcasid na ang ganda ng message para sa wife niya.

    Post ni Ogie sa Instagram (IG): “My wife, with her entire cast and team, have worked so hard to come up with a show that will entertain our TV audience. Still, she manages to be a great mom and a loving wife at home. You are a blessing my love @reginevalcasid we are so proud of you.”

    Samantlala, mag-a-advance taping ang Poor Señorita dahil may US tour si Regine mula May 13 hanggang 22.

    Hindi papayag ang viewers na matagal siyang hindi mapapanood sa rom-com series.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here