Sa Aquino and Abunda Tonight, inamin ni Rayver Cruz na kinikilig din siya kay Kylie Padilla na leading lady niya sa pelikulang “Dilim,” mula sa Regal Entertainment, ngunit, kwento ng host na si Kris Aquino, sinabi rin diumano ng aktor na bagama’t may feelings sila ni Kylie para sa isa’t isa ay sey nito, “pareho tayong may pino-prove dito.”
Kung kaya raw mas makakabuti kung focus muna sila sa mga careers nila. Dinugtong pa raw ni Rayver na ang maganda ay “they inspire each other.” Nang tanungin si Rayver kung magugustuhan kaya siya ng ama ni Kylie na si Robin Padilla?
Sagot ni Rayver ay, ang alam niya ay gusto naman daw siya ni Robin, dahil diumano parang nabanggit daw ito ni Robin sa isang press conference.”
Ayon naman sa Queen of All Media na si Kris, ang last relationship ni Kylie ay with Aljur Abrenica at tumagal ito ng three years. Si Rayver naman inamin niya na last relationship niya si Cristine Reyes at two years na silang naghiwalay.
Inamin din ni Rayver na lumalabas naman siya at nakikipag-date pero aniya,“hindi pa siguro dumadating ang tama para sa akin.” Si Kylie na nga kaya ang tama para kay Rayver? Ayon kay Rayver, “napakaganda niya (Kylie) sobra,”tanging nasabi ng aktor.