Rapist nasakote sa SBMA

    784
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY– Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Bataan Criminal and Investigation and Detection Team ang isang rapist sa kanyang pinagtataguan sa Boton Area sa loob ng Subic Bay Freeport Zone.

    Kinilala ni CIDT provincial officer Chief Inspector Ruben Tampis ang suspek na si Armando Gavino Jr., 32, ng Barangay Tugatog, Orani, Bataan.

    Ang suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Remigio Escalada ng RTC Branch 3 ng Balanga City sa kasong three counts of rape ng walang kaukulang piyansa.

    Ang suspek ay inireklamo ng kanyang sister-in-law na menor de edad makaraan nitong pauli-ulit na pagsamantalahan noong 2010. Batay sa talaan ng pulisya ang suspek ay nasa No. 2 sa Most Wanted Persons sa bayan ng Orani.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here