Home Headlines Rape suspect sa NE timbog sa Laguna

Rape suspect sa NE timbog sa Laguna

356
0
SHARE

LUNGSOD NG GAPAN – Isang 31-anyos na lalaking nahaharap sa kasong panggagahasa mula sa lungsod Na ito ang nasakote sa manhunt operation sa lalawigan ng Laguna na isinagawa ng lokal na pulisya nitong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang suspect na si William Tuazon, binata at residente ng Barangay Sto. Niño, Gapan City.

Ayon kay Gapan City police chief Lt. Col. Alexie Desamito, dumayo ang mga operatiba sa Canlubang, Laguna kasama ang iba pang PNP unit, bitbit ang arrest warrant matapos matiyak ang kinaroroonan doon ng suspek.

Si Tuazon ay nakatala bilang Top Number 6 sa most wanted persons ng Gapan, ayon kay Desamito.

Walang piyansa ang kinakaharap na kaso ni Tuazon na nakapiit ngayon sa custodial facility ng Gapan police station habang pinoproseso pa ang mga dokumento.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here