Home Headlines Ramon Ang handang Tumulong sa paghupa ng baha sa NLEX 

Ramon Ang handang Tumulong sa paghupa ng baha sa NLEX 

273
0
SHARE
Si Ramon Ang at si Jimmy Lu, vice president and project manager ng SMC Better Rivers PH, habang kaharap ang Bulacan media sa press conference nitong Martes. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MANDALUYONG — Barado ang Tulaoc Bridge kaya nagbaha ang North Luzon Expressway sa bahagi ng San Simon, Pampanga sa kasagsagan nga malalakas na pag-ulan na dala ng habagat.

Ito ang sinabi ni Ramon Ang, president and CEO ng Top Frontier Investment Holdings, Inc. ng San Miguel Corp., sa isang media presscon ngayong Sept. 1 sa San Miguel Corp. sa lungsod nai to. oration sa Mandaluyong.

Ayon kay Ang, sa tingin niya ay barado ang Tulaoc Bridge sa overflow ng Pampanga River kaya ang tubig na nagmula sa Pantabangan Dam na bumaba sa Candaba at San Simon ang nagpabaha sa NLEX.

Aniya, plano nila na tumulong para resolbahin ito.

Gagamitan daw niya ito ng Drone LiDar Surveying para matukoy ang bara at sakaling matukoy na ang bara at kung minor lang ito ay gagamitan niya ito ng backhoe para linisin.

Aniya, sa loob ng isang linggo ay matatapos ito at hindi na muling babahain ang bahaging ito ng NLEX. Aabutin naman daw ng mga tatlong buwan kung lalawakan at lalaliman lahat ng ilog doon patungo sa Manila Bay.

Matatandaan na nitong Agosto 31 ay inabot ng nasa 10 oras ang mga byahero at motorista sa loob ng expressway dahil hindi makausad ang trapiko bunga ng pagbaha sa Tulaoc Bridge sa bahagi ng San Simon interchange.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here