Quarry collection steady at P20-M

    411
    0
    SHARE

    Kung ang ‘yearly collection on quarry’ noong
    Si Lito Lapid ang ‘incumbent governor’
    Ay katumbas lang ng buwanang koleksyon
    Nang ang punong lalawigan ay si Among;

    At lalong lumaki ang buwanang kita
    Ng lalawigan nang si ‘Nanay Baby’ na
    Ang maupo sa Capitol ng Pampanga
    Bilang bagong gobernador ng probinsya

    Yan ay malinaw na pagpapahiwatig,
    Na ang hinala kay Ex-governor Lapid,
    Hinggil sa isyung siya ay posibleng sabit
    Sa ‘lahar scam’ ay di lang isang tsismis.

    Kundi higit pa sa posibleng totoo
    Ang maliwanag na basehan sa isyu;
    Sa kadahilanang kung ikumpara mo,
    Ang alin man kina ‘Nanay’ at Panlilio

    Ay lubhang malayo itong kina Lapid,
    ‘In terms of millions’ ang perang ipinanhik
    Ng ‘quarrying’ sapol nang sina Among Ed
    At ‘Nanay’ ang magkasunod na umugit

    D’yan sa ‘provincial government’ ng Pampanga,
    Na kung saan nag-‘multiply’ nga ang kita
    Ng kabang-bayan ng naturang probinsya,
    Bunsod ng malinis na ulat at kwenta

    Ng ‘daily collection’ na higit ang laki
    Kung ikumpara sa dating yan ay ‘weekly’
    Ng kita, nitong lalawigang nasabi
    Mula sa kung ating tawagin ay ‘quarry’

    Na di na kagaya marahil nang una,
    Ang ngayon ay sinusunod na sistema,
    Kung kaya ang ‘per truck load’ na ikinakarga
    Ng mga ‘haulers’ ay bilang na talaga.

    At nawala na ang dati’y hokus-pokus
    Na pagmanipula nitong taga-loob
    At ng kakutsabang mga taga-hakot,
    (Na naitatago n’yan noon ng lubos).

    Mantakin mo namang ang ‘yearly collection’
    Ng mga Lapid nang sila ang Governor
    Ay kwenta ‘monthly’ lang sa koleksyon ngayon
    Ni Nanay Baby (at ng ‘priest-turned-governor’?)

    Kung walang himala sa likod ng lahat
    Ng pangyayaring ang 90 percent dapat
    Kitain ng Kapitolyo ay lumigwak
    At napasa-kamay ng kung sinong ‘corrupt?’

    Na taga Capitol nang panahong iyon,
    Kung kaya imbes na kumita ng milyon
    Sa araw-araw ang ‘provincial capitol’
    Ay wala pang ‘thirty million’ sa isang taon;

    Ang pinaka-mataas na naging koleksyon
    Ng Bida ng Masa sa buong panahon
    Ng panunungkulan niya bilang governor,
    (Pinaka-mababa noong 2004).

    Sapagkat ni hindi umabot man lamang
    Ng ‘twelve million pesos’ ang ‘collectibles’ niyan;
    Na katakataka kung ikumpara yan
    Sa ‘average collection’ sa kasalukuyan. 

    Di ko ninanais sabihing ninakaw
    Ng sinuman ang koleksyon noong araw;
    Pero, yan sa aming sariling pananaw
    Ay di maikakailang grabeng pagnanakaw

    Salamat, matapos ang kung ilang taon
    Ay may magkasunod na naging Governor,
    Na kagaya nga ni Pineda at ni Among,
    Na nakatuklas sa anomalyang iyon;

    Na ang ‘Capitol quarry collection’ pala
    Ay ‘ 5 million a week’ ang ‘average’ na kita;
    Na kung kina Lapid natin ikumpara,
    Ya’y baka katumbas na ng ‘6 months’ nila?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here