Tanong:
Attorney, pwede ko po bang ipapalit ang pangalan ng anak ko sa Birth Certificate? Hindi po kasi kami kasal ng nanay niya. Pero ginamit po ng anak ko ang apelyido ng nanay niya imbes na ang apelyido ko, at iyon po ang lumbas sa Birth Certificate niya. Gusto ko pa sana, yung apelyido ko na ang gamitin ng anak ko.
Sagot:
Meron ng Republic Act No. 9255. Sa bagong batas na ito, pwede ng gamitin ng anak mo ang apelyido mo. Ang payo ko, magpunta ka Civil Registrar kung saan nirehistro ang birth certificate ng anak mo. I-check mo kung nakasulat doon ang pangalan mo bilang tatay ng anak mo. Kung nandoon, mag-submit ka ng “Affidavit to Use the Surname of the Father”, or kung wala ang pangalan mo sa birth certificate ng anak mo, “Affidavit of Admission of Paternity.” Magdala ka rin ng ID mo, tapos bayaran mo yung registration and annotation fees.
– Atty. Bong Roque