Home Headlines PUV modernization, transport coop isinulong

PUV modernization, transport coop isinulong

819
0
SHARE

CABANATUAN CITY – Bukod sa mga modernong yunit ng sasakyan, isinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahala ng mga organisasyon o kooperatiba sa pagmamay-ari ng pampublikong sasakyan.

Ibinahagi ito ni LTFRB Undersecretary Mark De Leon matapos pangunahan ang isang araw na modern public utility vehicles caravan sa SM City Cabanatuan City nitong Biyernes.

Bahagi ng karaban ang pakikipagpulong ni De Leon sa mga opisyales ng mga transport group na ginanap sa display ng mga modern PUV ng iba’t ibang kumpanya sa parking area ng SM City.

Paliwanag ni De Leon, mas makabubuti sa publiko amg matatag na kondisyon ng pampasaherong sasakyan. Ang indibidwal aniya na mayari ng pampasaherong jeep ay karaniwang humihinto ng pamamasada kahit maaga pa kapag naka-boundary kaagad.

“Ang apektado ay ang mga commuter,” sabi ng opisyal.

Kumbinsido ang driver na si Fred Cruz ng Bongabon, Nueva Ecija na maganda ang modernong sasakyan. Umaasa siyang masosolusyunan ang problema sa mataas na presyo ng mga yunit.

“Maganda naman ang kanilang paliwanag,” sabi ni Cruz.

Batay sa programa ng LTFRB ay dapat moderno na ang ng pampublikong transportasyon pagdating Hunyo 2020.

Samantala, isa naman ang Gitnang Luzon sa mga lugar na nagunguna sa implementasyon ng PUV Modernization, ayon kay LTFRB regional director Ahmed Cuizon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here